Tauhan ng OTS na nagbalik ng naiwang gadget ng isang pasahero sa paliparan, pinapurihan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kinilala ng Office for Transportation Security ang ipinakitang katapatan ng mga tauhan nito matapos isauli ang naiwang kagamitan ng isang pasahero sa paliparan.

Batay sa ulat ng OTS, nangyari ang magkakahiwalay na insidente mula Nobyembre 15 hanggang 22 ng taong kasalukuyan.

Nobyembre 15 nang isauli ng Security Screening Officer na si Reyster Nuñez at checkpoint supervisors na sina Lelani Pascual at Rhodel Azul ang backpack ng isang John Rafael Centeno na may lamang laptop bago tumulak patungong Davao.

Tablet naman ang naisauli ni SSO Michael Rogelio sa pasaherong si George Christ Lostroh na patungo sanang Calbayog noong Nobyembre 17 habang mobile phone naman ang isinauli ni SSO Andrew Sabarillo at CS Jovito Munzon sa pasaherong si Sanghyok Bang na patungo namang Davao.

Pinakahuli rito ay ang pagkakasauli ni SSO Joan Elipe sa isang smartwatch kay Marinet Samaniego na patungo sanang Caticlan.

Ayon sa OTS, ang ipinakitang katapatan ng kanilang mga tauhan ay patunay lamang ng kanilang integridad at pagiging tapat sa sinumpaang tungkulin sa bayan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us