Tigil-pasada ng grupong PISTON, walang naging epekto — MMDA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Minaliit ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang naging takbo ng tigil-pasada ng grupong PISTON ngayong araw.

Sa pulong balitaan, sinabi ni MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes na bigo ang mga grupong pang-transportasyon na paralisahin ang biyahe ng mga pampublikong sasakyan.

Batay aniya sa pinakahuling datos, aabot sa 1,545 na mga pasahero ang naserbisyuhan ng libreng sakay na ipinagkaloob ng mga lokal na pamahalaan gayundin ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.

Aabot aniya sa 66 na mga sasakyan ang ipinakalat para magserbisyo sa mga nai-stranded na pasahero sa iba’t ibang lugar.

Kabilang sa mga apektadong lugar ay ang mga lungsod ng Quezon, Pasig, Parañaque, Muntinlupa, Taguig at Maynila. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us