Transport strike ng PISTON, hindi nakaapekto sa public transport sa QC — TTD Chief Cardenas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanatiling normal ang pasada ng mga pampasaherong jeep at bus sa QC sa kabila ng ikinasang transport strike ng grupong PISTON.

Ayon kay QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) OIC Dexter Cardenas, bagamat may mga na-monitor na kilos-protesta ng PISTON sa ilang kalsada gaya sa bahagi ng Aurora Blvd., Katipunan, Novaliches at Welcome Rotonda, marami pa rin ang bumiyaheng mga jeepney sa naturang mga ruta kaya walang pasahero kaninang morning rush hour ang na-stranded.

Dagdag pa nito, agad na natutugunan ng mga libreng sakay na bus ng LGU kapag may mga kalsadang dumarami ang pasahero.

Sa panig ng LGU, bukod sa 96 na QCity Bus, mayroon ding 12 E-trikes ng Department of Public Order and Safety ang idineploy para sa mga short distance routes kabilang ang paligid ng Quezon City Hall, Philcoa patungong SM North, Trinoma, Centris, Tandang Sora, North Avenue, Quezon Avenue, at Cubao.

Samantala, wala ring na-monitor ang QC Traffic and Transport Management Department (TTMD) na mga tsuper na namumuwersa o nanghaharass sa mga pumapasadang jeepney driver.

Patuloy naman aniyang tututukan ng pamahalaang lungsod ang sitwasyon sa mga pangunahing kalsada lalo mamayang hapon at rush hour. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us