Ugong ng umano’y destabilisasyon sa administrasyon, walang mabuting idudulot sa bansa — solon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumuwelta ang isang administration lawmaker laban sa umano’y destabilization efforts laban sa administrasyong Marcos Jr.

Ayon kay Cavite Representative Elpidio Barzaga, makakasama lamang ito sa ekonomiya ng bansa.

“We cannot afford any political and economic instability. A plot to overthrow the administration won’t do us any good,” saad ng mambabatas.

Punto nito, ang instability o kaguluhan ay hindi makatutulong sa mga kasalukuyan nang mga hamong kinahaharap ng Pilipinas, gaya ng inflation.

Katunayan sa isang survey nitong Setyembre ang pagtaas sa presyo ng bilihin ang isa sa mga pangunahing alalahanin ng mga Pilipino.

Kaya naman ang ugong na may plano ang ilang miyembro ng unipormadong hanay na pabagsakin ang pamahalaan ay magiging isa lang “black eye” para sa bansa.

“We don’t need their adventurism. We have a working government duly elected by an overwhelming majority of the people, more than 31.6 million margin. They have to respect the people’s decision,” sabi pa nito.

Dagdag pa ng Cavite solon na makakaapekto rin ito sa paghikayat ng mga mamumuhunan kahit pa itinanggi na ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na may ganitong mga hakbang.

Diin ni Barzaga, ang kailangan ngayon ay pagtulungan ang hamong pang-ekonomiya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us