Epektibo na ngayong araw, Nobyembre 6, ang inaprubahang dagdag sahod para sa mga manggagawa at kasambahay sa Rehiyon 1.
Ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board Region 1 (RTWPB 1), ang bagong Wage Order No. RB 1-22 ay nagbigay ng P30-P35 na dagdag sa arawang sahod ng mga manggagawa sa rehiyon o minimum wage rate na P435 para sa non-agricultural establishments na may 10 o higit pang manggagawa at P402 para sa non-agricultural establishments na wala pang 10 manggagawa.
Samantala, tataas din ang suweldo ng mga kasambahay sa pamamagitan ng isinabatas na Wage Order No. RB 1-DW-04 na magbigay ng karagdagang P500 sa kanilang suweldo o mula sa dating P5,000, magiging P5,500 kada buwan.
Ang mga wage order para sa Rehiyon 1 ay una nang nailathala noong Oktubre 21, 2023. | ulat ni Albert Caoile | RP1 Agoo
📷 National Wages and Productivity Commission