Visayas Command, nakatutok sa special elections sa 3rd district ng Negros Oriental

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kasunod ng matagumpay na pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Elections (BSKE) sa Negros Oriental, pinaghahandaan naman ngayon ng Armed Forces of the Philippines Visayas Command (AFP-VISCOM) ang special elections sa ikatlong distrito ng naturang lalawigan.

Ang special election ay para sa pagpili ng bagong kinatawan ng 3rd district ng naturang lalawigan, matapos na i-expel ng Kamara si Representative Arnulfo Teves Jr., dahil sa pag-abandona sa kanyang pwesto at indecent behavior.

Ito’y matapos na maakusahang mastermind si Teves sa likod ng pagpatay kay Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

Batay sa Comelec Resolution 10945, isasagawa ang special election sa Disyembre 9, kung saan ang filing of certificates of Candidacy ay sa Nobyembre 6, at ang campaign period ay mula Nobyembre 9 hanggang Disyembre 7.

Sinabi ni VISCOM Commander Lieutenant General Benedict Arevalo, na magde-deploy ng karagdagang tropa ang militar kung kinakailangan para sa seguridad, at makakaasa ang publiko ng maayos at mapayapang halalan sa ikatlong distrito ng Negros Oriental. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us