VP Sara Duterte, bumisita sa mga pamilya ng apektado ng baha sa Davao City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumisita si Vice President Sara Duterte sa mga pamilya na apektado ng baha sa Davao City, ngayong araw.

Personal na kinumusta at nagbigay ng tulong pinansyal ang Pangalawang Pangulo sa mga apektadong pamilya sa Bago Aplaya, Davao City.

Nagbigay din ng karagdagang tulong ang Office of the Vice President Davao Satellite Office kabilang dito ang relief boxes para sa mga apektadong pamilya.

Nakausap din ni VP Sara ang kapitan ng barangay, at pinasalamatan ang naging maagap na pagresponde.

Sa tulong aniya ng Barangay Risk Reduction and Mitigation Response Team na nagpatupad ng pre-emptive evacuation walang namatay o nalunod sa pagbaha.

Kaugnay nito ay hinikayat ni VP Sara ang mga residente, na patuloy na magkaisa at magtulungan sa panahon ng kalamidad. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us