VP Sara Duterte, nagpaabot ng pasasalamat sa pamahalaan ng Qatar, Egypt, at Iran matapos na mapalaya si Jimmy Pacheco na bihag ng Hamas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pasasalamat si Vice President Sara Duterte sa pamahalaan ng Qatar, Egypt, at Iran.

Ito ay matapos na tumulong ang nasabing mga bansa para mapalaya ang Pilipino na si Jimmy Pacheco kasama ang iba pang mga bihag ng Hamas nitong Sabado.

Ayon kay VP Sara, ang kaligtasan ng ating kababayan na si Pacheco ay tagumpay din ng Marcos Administration sa pangunguna ng Department of Foreign Affairs, lalong-lalo na ng mga kawani ng embahada ng Pilipinas sa Israel.

Kaugnay nito ay nanawagan naman ng panalangin ang Pangalawang Pangulo na sana ay makitang ligtas ang isa pang Pilipino na si Noralyn Babadilla na pinaniniwalaang dinukot din ng Hamas.

Ani VP Sara, hangad niya ang pagtatagumpay ng usaping pangkapayapaan sa pagitan ng Israel at Hamas. | ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us