VP Sara, nagtungo sa tanggapan ng MMDA para alamin ang pinakahuling sitwasyon sa tigil-pasada

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumisita si Vice President Sara Duterte sa tanggapan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong araw.

Ito’y para kumustahin ang sitwasyon na may kaugnayan sa ikinasang tigil-pasada ng grupong PISTON.

Dito, ipinakita kay VP Sara ni MMDA Acting Chairperson, Atty. Don Artes ang kanilang state of the art facilities na nagpapakita ng real-time situation sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila.

Ibinida rin ni Artes sa Pangalawang Pangulo ang mga high definition CCTV cameras para sa kanilang pag-uulat.

Kasama nila VP Sara at Chairperson Artes si Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairperson Teofilo Guadiz III sa pagbabantay sa sitwasyon. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us