VP Sara, pinayuhan ang mga grupong nagtigil-pasada na umupo at pag-usapan ang kanilang mga hinaing

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nanawagan si Vice President Sara Duterte sa grupong PISTON na huwag dalhin sa lansangan ang kanilang paglalabas ng hinaing bagkus ay umupo at makipag-usap.

Ginawa ng Pangalawang Pangulo ang pahayag makaraang bumisita siya sa tanggapan ng MMDA ngayong araw para silipin ang pinakahuling sitwasyon hinggil sa ikinasang transport strike.

Aniya, nakahanda namang tumulong ang pamahalaan para umalalay sa mga maaapektuhan ng tigil-pasada sa pamamagitan ng paghahandog ng libreng sakay

Kuntento naman siya sa datos na 70% ng mga nasa transport group ang nais i-modernisa ang kanilang mga sasakyan para na rin sa kapakanan ng mga pasahero. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us