Makatatanggap ngayong araw ang mga aktibong Philippine National Police (PNP) personnel ng ₱5,000 Productivity Enhancement Incentive (PEI).
Ito ang kinumpirma ni PNP Director for Comptrollership Police Major General Rommel Francisco Marbil.
Ang distribusyon ng PEI ay alinsunod sa guidelines ng Section 6 ng Executive Order (EO) 201, para sa lahat ng kwalipikadong empleyado ng gobyerno.
Nagpasalamat naman si PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa dedikasyon at pagsisikap ng lahat ng pulis na patunay ng kanilang commitment sa serbisyo publiko.
Nagpasalamat din ang PNP chief sa pambansang pamahalaan sa patuloy na pagsuporta sa kapakanan ng mga PNP personnel. | ulat ni Leo Sarne