Higit 200,000 residente, apektado ng Magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur

Mayroon nang inisyal na 56,634 pamilya o higit 236,000 indibidwal ang naitalang apektado ng pagtama ng Magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur gabi ng Sabado, December 2. Batay yan sa datos ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Disaster Response Operations Monitoring and Information Center. Sa ngayon, karamihan ng mga apektado… Continue reading Higit 200,000 residente, apektado ng Magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur

Kauna-unahang ‘Creativity Summit in Philippine Higher Education’, inilunsad ng Western Mindanao State University

Pinasinayaan ng Western Mindanao State University sa pakikiisa ng Commission on Higher Education (CHED) ang “Balangkas ng Pagkamalikhain sa Lalong Mataas na Edukasyon” na isinagawa sa lungsod ng Zamboanga kamakailan. Sa mensahe ni CHED Chairperson J. Prospero de Vera III, layon ng naturang summit na pagyamanin ang pagkamalikhain, imahinasyon, at innovation sa Philippine Higher Education… Continue reading Kauna-unahang ‘Creativity Summit in Philippine Higher Education’, inilunsad ng Western Mindanao State University

Pambobomba sa unibersidad sa Marawi, kinondena ng DILG

Mariing kinokondena ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang nangyaring pambobomba sa Mindanao State University-Marawi Campus na ikinasawi ng ilang indibidwal nitong linggo ng umaga. Sa isang pahayag, sinabi ni DILG Secretary Benhur Abalos na prayoridad ngayon ng pamahalaan na tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan sa lugar.   Batay rin… Continue reading Pambobomba sa unibersidad sa Marawi, kinondena ng DILG

Damage assessment sa Surigao del Sur, tinututukan na ng DILG

Pinagana na ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang Disaster Online Reporting and Monitoring System sa mga regional at field offices nito para agad na matututukan ang sitwasyon kasunod ng tumamang 7.4-magnitude na lindol sa bahagi ng Surigao del Sur noong Sabado. Ayon kay DILG Secretary Benhur Abalos Jr., naka-deploy na rin… Continue reading Damage assessment sa Surigao del Sur, tinututukan na ng DILG

Mindanao solons, nagkaisa sa pagkondena sa ginawang pagpapasabog sa Mindanao State University

Mariing kinondena ng mga mambabatas mula Mindanao ang naganap na pagpapasabog sa Mindanao State University linggo ng umaga, habang nagsasagawa ng pagdarasal ang ilan sa mga estudyante doon. Ayon kay Deputy Speaker Yasser Alonto Balindong, sinisira ng mga salarin ang kapayapaang pinaghirapang makamit ng mga residente ng Marawi. “This reprehensible act undermines the ongoing efforts… Continue reading Mindanao solons, nagkaisa sa pagkondena sa ginawang pagpapasabog sa Mindanao State University

Mga senador, nanawagan sa mga awtoridad na bigyan agad ng hustisya ang mga biktima ng pambobomba sa Marawi

Mariing ikinagalit at kinondena ng mga senador ang nangyaring pambobomba sa Mindanao State University sa Marawi City. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, kawalan ng puso ang pambobomba sa isang grupo ng inosenteng mga sibilyan sa gitna ng isang misa. Ikinalulungkot aniya ni Zubiri na makitang muli ang ganitong klase ng karahasan sa Marawi,… Continue reading Mga senador, nanawagan sa mga awtoridad na bigyan agad ng hustisya ang mga biktima ng pambobomba sa Marawi

Magnitude 6.8 na lindol, tumama sa Cagwait, Surigao del Sur

Panibagong malakas na lindol ang tumama sa bahagi ng Surigao del Sur kaninang madaling araw. Ayon sa PHIVOLCS, bandang 3:49 am naganap ang pagyanig. Naitala ang sentro nito sa layong 67 kilometro hilagang silangan ng Cagwait. Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na isang kilometro sa lupa. Naramdaman ang: Intensity V – sa… Continue reading Magnitude 6.8 na lindol, tumama sa Cagwait, Surigao del Sur

Pambobomba sa Mindanao State University, tinututukan na ng CHED

Nakikiisa rin ang Commission on Higher Education (CHED) sa pagkondena sa nangyaring pambobomba sa loob ng Dimaporo Gymnasium sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi nitong linggo ng umaga. Sa isang pahayag, sinabi ni CHED Chairperson Popoy de Vera III na lubos na nakalulungkot ang nangyaring karahasan sa loob pa mismo ng isang unibersidad. Giit… Continue reading Pambobomba sa Mindanao State University, tinututukan na ng CHED

Kongreso, tutulong sa mga biktima ng pagsabog sa Mindanao State University

Nangako si Speaker Martin Romualdez na susuporta ang Kongreso sa mga pangangailangan ng mga biktima ng pagsabog sa Mindanao State University. Ayon sa lider ng Kamara, bukas ang pintuan ng Kapulungan sa pagpapaabot ng tulong para sa mabilis na pagbangon at paghilom ng komunidad. Katunayan agad nakipag-ugnayan ang kaniyang tanggapan at ang Tingong Party-list kina… Continue reading Kongreso, tutulong sa mga biktima ng pagsabog sa Mindanao State University

VP Sara Duterte sa mga Pilipino: Maging mahinahon, magtiwala sa mga awtoridad kasunod ng pagpapasabog sa Marawi City kahapon

Mariing kinondena ni Vice President Sara Duterte ang nangyaring pagpapasabog sa loob ng campus ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City kahapon ng umaga. Kasabay nito ay nagpaabot din siya ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi gayundin sa nasa kritikal na kondisyon at nasugatan dahil sa kanilang kalunos-lunos na sinapit sa insidente Sa… Continue reading VP Sara Duterte sa mga Pilipino: Maging mahinahon, magtiwala sa mga awtoridad kasunod ng pagpapasabog sa Marawi City kahapon