Mahigit 60 bagong pisang olive ridley sea turtle, pinakawalan sa Agdangan, Quezon

Pinakawalan ang mahigit animnapung bagong pisang Olive ridley sea turtle o pawikan sa baybayin ng Brgy. Kanlurang Calutan, Agdangan, Quezon kamakailan. Ayon sa pabatid ng DENR Calabarzon, pinakawalan ang mga hatchling kasabay ng pagsisimula ng nesting season, na anila’y paalala sa responsibilidad ng bawat isa na protektahan ang kalikasan. Ang olive ridley sea turtle ay… Continue reading Mahigit 60 bagong pisang olive ridley sea turtle, pinakawalan sa Agdangan, Quezon

Mga pamilyang apektado ng Magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur, nadagdagan pa — DSWD

Umakyat pa sa higit 100,000 pamilya o katumbas ng halos 400,000 indibidwal ang naitala ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)na naapektuhan ng tumamang Magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur noong December 2. Ayon sa DSWD, bukod sa CARAGA Region, ilang lalawigan din sa Davao Region ang apektado ng malakas na… Continue reading Mga pamilyang apektado ng Magnitude 7.4 na lindol sa Surigao del Sur, nadagdagan pa — DSWD

Bagong bird species, naitala sa Buenavista Protected Landscape

Naitala sa Buenavista Protected Landscape sa Mulanay, Quezon ang dalawang bagong bird species sa isinagawang biodiversity monitoring ng Protected Area Management Office nitong ikalawang semestre ng taon. Ayon sa pabatid ng DENR Calabarzon, ang nasabing species ay ang yellow-wattled bulbul at ang blue-headed fantail, na kapwa kabilang sa conservation status na “Least Concern” batay sa… Continue reading Bagong bird species, naitala sa Buenavista Protected Landscape

Ilang pasahero, hati ang opinyon sa nakaambang taas-pasahe sa MRT-3

Magkakaiba ang opinyon ng ilang pasahero sa muling inihihirit na taas-pasahe sa MRT-3. Kasunod yan ng pahayag ni Transport Assistant Secretary for Railways at MRT-3 OIC General Manager Jorjette Aquino na muli silang magsusumite ng petisyon para sa taas-pasahe sa MRT-3 sa susunod na taon. Ito ay para sa dagdag na ₱2.29 boarding fare at… Continue reading Ilang pasahero, hati ang opinyon sa nakaambang taas-pasahe sa MRT-3

Turn-over ng 100 housing unit ng MHSD BARMM sa bayan ng Indanan, isinagawa kahapon 

Tagumpay na naisagawa kahapon ang kauna-unahang turn-over ng mga housing unit ng Ministry of Human Settlements and Development o MHSD sa Sulu. Tig 50 housing unit ang naiturn over ng MHSD Sulu sa barangay Tubig Dakulah at Langpas sa bayan ng Indanan sa magkasunod na aktibidad kahapon na nakalaan sa mga pamilya ng mga MNLF.… Continue reading Turn-over ng 100 housing unit ng MHSD BARMM sa bayan ng Indanan, isinagawa kahapon 

Darul Ifta Wad Dawah ng Rehiyon XI, kinondena ang pagpasabog sa MSU Marawi

Mahigpit na kinondena ng pamunuan ng Darul Ifta Wad Dawah ng Rehiyon XI ang nangyaring pagpapasabog sa Demaporo Gym, MSU, Marawi, Linggo ng umaga. Ito ang resulta ng pagpupulong na ginanap sa lungsod ng Davao matapos ang madugong pangyayari. Pinangunahan ni Shaykh Mohammad Yusop Pasigan, ang Grand Mufti ng Region XI at chairman ng Darul-Ifta… Continue reading Darul Ifta Wad Dawah ng Rehiyon XI, kinondena ang pagpasabog sa MSU Marawi

Tamang paggamit at posibleng dagdag na intel funds sa susunod na budget, titiyakin ng Lanao del Sur solon

Tututukan ni Lanao del Sur Representative Zia Alonto Adiong ang dagdag na Intelligence Fund para sa susunod na Budget season. Kasunod pa rin ito ng nangyaring pambobomba sa Mindanao State University kung saan may apat nang nasawi. Para sa mambabatas masasabi na nagkaroon ng lapses sa intelligence gathering kaya nangyari ang insidente. “Confident naman ako… Continue reading Tamang paggamit at posibleng dagdag na intel funds sa susunod na budget, titiyakin ng Lanao del Sur solon

Mga senador, magkakaroon ng executive session kasama ang security sector tungkol sa bombing incident sa MSU

Magkakaroon ng executive session ang mga senador kasama ang security cluster ng pamahalaan tungkol sa nangyaring pambobomba sa Mindanao State University (MSU) nitong linggo. Sa sesyon kahapon, inanunsyo ni Senate President Juan Miguel Zubiri na iimbitahan nila sa Miyerkules ang Philippine National Police (PNP), Department of National Defense (DND), Armed Forces of the Philippines (AFP),… Continue reading Mga senador, magkakaroon ng executive session kasama ang security sector tungkol sa bombing incident sa MSU

Pangulong Marcos Jr., nagpositibo sa COVID-19

Sasailalim sa limang araw na isolation period si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos na magpositibo sa COVID-19. Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ito ay bilang pagtalima na din sa ipinatutupad na health protocol. Sa harap nito ay tiniyak ng Palasyo na nananatiling fit o nasa maayos na kondisyon ang Pangulo para tuloy-tuloy na… Continue reading Pangulong Marcos Jr., nagpositibo sa COVID-19

Territorial Defense sa Mindanao, tinalakay ng US Marine Forces Special Operations Command at WestMinCom

Bumisita sa Western Mindanao Command (WestMinCom) ang Commander ng US Marine Special Operations Command (MARSOC) na si Major General Matthew Trollinger. Siya’y malugod na tinanggap ni WestMinCom Commander Lieutenant General William Gonzales at Unified Command Staff sa Camp Navarro, Calarian, Zamboanga City nitong Linggo. Sinabi ni Lt. Gen. Gonzales na ang pagbisita ng Amerikanong opisyal… Continue reading Territorial Defense sa Mindanao, tinalakay ng US Marine Forces Special Operations Command at WestMinCom