158 public schools sa QC, nakiisa sa nationwide tree planting activity na proyekto ng DepEd

Nagsagawa ng tree planting activity ang Quezon City School Division Office kasama ang iba’t ibang paaralan sa lungsod bilang pakikiisa sa kampanya para pangalagaan ang kalikasan na proyekto ng Department of Education. Aabot sa 800 puno ang itinanim ng 158 public schools sa lungsod sa ilalim ng “236,000 Trees – A Christmas Gift for Children”… Continue reading 158 public schools sa QC, nakiisa sa nationwide tree planting activity na proyekto ng DepEd

PRC, tumulong sa clearing operation sa mga lugar na apektado ng pagguho ng lupa sa Nueva Vizcaya

Rumesponde ang Philippine Red Cross (PRC) matapos ang nangyaring pagguho ng lupa sa ilang lugar sa Nueva Vizcaya na dulot ng mga pag-ulan. Nagpadala ang PRC Nueva Vizcaya Chapter ng payloaders upang tumulong sa lokal na pamahalaan sa clearing operations sa mga lugar na apektado ng landslides. Ayon kay PRC Chairman Richard Gordon, kabilang sa… Continue reading PRC, tumulong sa clearing operation sa mga lugar na apektado ng pagguho ng lupa sa Nueva Vizcaya

Pagpapatrolya at pag-istasyon ng mga navy ship ng bansa sa WPS, iminungkahi ng ilang mambabatas sa AFP

Pinakokonsidera nina House Special Committee on the West Philippine Sea Chair Neptali Gonzales II at Oriental Mindoro Rep. Arnan Panaligan sa Philippine Navy na i-deploy ang kanilang mga barko para magpatrolya at magpbantay sa West Philippine Sea. Sa pagtalakay ng komite sa mga insidente ng panggigipit ng China sa WPS nausisa ng dalawang mambabatas kung… Continue reading Pagpapatrolya at pag-istasyon ng mga navy ship ng bansa sa WPS, iminungkahi ng ilang mambabatas sa AFP

Bar passers, hinikayat na maging kabahagi ng papapalakas ng ‘Katarungang Pambarangay System’

Hinimok ni Ako Bicol Partylist Representative Elizaldy Co ang bar passers na tumulong para mapalakas ang “katarungang pambarangay system” at makapagbigay ng tulong legal sa komunidad. Ito ang mensahe ng Co kasunod ng paglabas ng listahan ng bar passers. Hinikayat ng Appropriations Chair ang bar passers na magkaloob ng legal aid sa local entrepreneurs, dependents… Continue reading Bar passers, hinikayat na maging kabahagi ng papapalakas ng ‘Katarungang Pambarangay System’

Pagsasabatas ng PPP Code of the Philippines, magreresulta ng dekalidad na infra projects — Diokno

Welcome sa Department of Finance ang pagsasabatas ng Public Private Partnership o PPP Code of the Philippines. Kahapon nilagdaan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang PPP Code o RA 11966 na naglalayong itatag ang mas stable at predictable environment ng kolaborasyon ng pribado at public sector. Pinasalamatan ni Finance Sec. Benjamin Diokno si Pangulong Marcos… Continue reading Pagsasabatas ng PPP Code of the Philippines, magreresulta ng dekalidad na infra projects — Diokno

Sec. Año, nanindigang dapat walang “pre-conditions” ang exploratory talks sa pagitan ng pamahalaan at NDFP

Nanindigan si National Security Adviser at National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) co-Vice Chair Sec. Eduardo Año na dapat ay walang “pre-conditions” ang exploratory talks sa pagitan ng pamahalaan at National Democratic Front of the Philippines. Sa isang statement, sinabi ni Año na malugod niyang tinatanggap ang muling pag-uusap ng… Continue reading Sec. Año, nanindigang dapat walang “pre-conditions” ang exploratory talks sa pagitan ng pamahalaan at NDFP

LTO, iniutos ang pagpapaigting ng road worthiness inspection at ‘No Registration, No Travel’ policy kasunod ng aksidente sa Antique

Iniutos na ni LTO Chief Asec. Vigor Mendoza II sa Regional Director of LTO-Western Visayas ang pagpapaigting ng road worthiness check sa mga sasakyan kasunod ng nangyaring pagkahulog sa bangin ng isang bus sa Antique na ikinasawi ng 17 pasahero. Sa isang pahayag, sinabi ni Asec. Mendoza na kung kinakailangan ay gawing lingguhan ang pag-iinspeksyon… Continue reading LTO, iniutos ang pagpapaigting ng road worthiness inspection at ‘No Registration, No Travel’ policy kasunod ng aksidente sa Antique

PCG, umalma sa pahayag ng isang mambabatas na kulang ang ginagawa nitong pagbabantay sa WPS

Pinalagan ni Coast Guard Spokesperson for the West Philippine Sea Commodore Jay Tarriela ang pahayag ni ACT Teachers party-list Rep. France Castro na hindi sapat ang ginagawang pagbabantay ng kanilang hanay sa West Philippine Sea. Sa panibagong briefing ng House Special Committee on the West Philippine Sea, natalakay ang panibagong insidente ng pagdagsa ng Chinese… Continue reading PCG, umalma sa pahayag ng isang mambabatas na kulang ang ginagawa nitong pagbabantay sa WPS

Joint operation sa pagtugis sa mga responsable sa MSU bombing, tinalakay ng WestMinCom at liderato ng BARMM

Nagpulong si AFP Western Mindanao Command (WestMinCom) Chief Lt. General William Gonzales at Bangsamoro Autonomous Region (BAR) Chief Minister Ahod Balawag Ebrahim para talakayin ang pagpapalakas ng security operations sa rehiyon. Ang high-level security meeting kasama ang mga military commander sa rehiyon at senior ministers ng BAR, ay isinagawa kahapon sa Cotabato City. Pangunahing tinalakay… Continue reading Joint operation sa pagtugis sa mga responsable sa MSU bombing, tinalakay ng WestMinCom at liderato ng BARMM

LTO, nakahuli ng higit 4’000 ‘di rehistradong sasakyan at motor sa isang buwang operasyon ng ” No registration, No travel” policy

Umabot na sa 4,864 motor vehicles ang nahuli ng mga enforcer ng Land Transportation Office (LTO) sa isang buwang pagpapatupad nito ng ‘No Registration, No Travel’ policy. Batay sa datos ng LTO, pinakamarami na ang nahuling delinquent motor vehicles sa Region II na umabot sa 657 na sinundan ng Region VIII (Eastern Visayas) na may… Continue reading LTO, nakahuli ng higit 4’000 ‘di rehistradong sasakyan at motor sa isang buwang operasyon ng ” No registration, No travel” policy