PAGCOR, nagpatupad na ng mga paghihigpit sa registration ng mga POGO

Mas mahigpit na regulasyon sa operasyon at pinaigting na monitoring kasama ang law enforcement agencies ang nakikitang solusyon ng PAGCOR para matigil ang iligal na operasyon at social ills na dala ng POGO o Philippine Offshore Gaming Operators. Ito ang sinabi ni Atty. Renfred Tan, Senior Manager ng Policy Development and Regulatory Division, Offshore Gaming… Continue reading PAGCOR, nagpatupad na ng mga paghihigpit sa registration ng mga POGO

Party-list solon na isa sa mga nabigyan ng amnestiya ng pamahalaan, binigyang-diin ang kahalagahang suportahan ang peace agreement na itinutulak ng gobyerno

Higit pa sa isang pirasong dokumento. Ganito inilarawan ni Abang Lingkod Party-list Representative Joseph Stephen Paduano ang peace agreement ng pamahalaan kasama ang mga rebeldeng grupo. Sa pagtalakay ng Kamara sa apat na resolusyong sumasang-ayon sa amnesty proclamation ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., pinaalalahanan ni Paduano ang mga grupo at indibidwal na tumututol sa… Continue reading Party-list solon na isa sa mga nabigyan ng amnestiya ng pamahalaan, binigyang-diin ang kahalagahang suportahan ang peace agreement na itinutulak ng gobyerno

Hinatuan, Surigao del Sur, isinailalim na sa State of Calamity

Isinailalim na sa State of Calamity ang bayan ng Hinatuan sa lalawigan ng Surigao del Sur kasunod ng Magnitude 7.4 na lindol na naitala noong Sabado, December 2. Ayon sa Lokal na Pamahalaan ng Hinatuan, ito ay isang hakbang upang magkaroon at maibigay ang kagyat na pangangailangan ng mga naapektuhang komunidad. Mula sa huling ulat… Continue reading Hinatuan, Surigao del Sur, isinailalim na sa State of Calamity

Balik na sa blue alert status ang Butuan City ilang araw matapos ang sunod-sunod na malakas na pagyanig

Balik na sa normal ang trabaho sa mga pampubliko at pribadong tanggapan sa Butuan City habang ang klase sa elementarya at sekondarya ay online class o kaya’y modular modality. Depende sa pasya ng management ng paaralan kung sila ay magface-to-face clasess.    Sa pinakauling impormasyon mula sa Butuan City Disaster Risk Reduction and Management Office (CDRRMO),… Continue reading Balik na sa blue alert status ang Butuan City ilang araw matapos ang sunod-sunod na malakas na pagyanig

DSWD, nagset-up ng Mega Processing Center para sa ‘Pag-abot sa Pasko’

Bilang bahagi ng pinalawak na Oplan Pag-Abot ay nag-set up ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng isang Mega Processing Center para sa special reach-out operations nito ngayong magpa-Pasko na tinawag na “Pag-abot sa Pasko.” Pinangunahan mismo ni DSWD Secretary Rex Gatchalian at Undersecretary for Innovation Edu Punay ang pagbubukas ng satellite processing… Continue reading DSWD, nagset-up ng Mega Processing Center para sa ‘Pag-abot sa Pasko’

Noche Buena items, di kritikal ang epekto sa inflation — PSA

Maliit lang ang epekto ng Noche Buena items sa overall inflation sa bansa ayon yan sa Philippine Statistics Authority (PSA). Ito ay sa kabila ng iniulat ng Department of Trade and Industry Philippines (DTI) na tumaas ang presyo ng 152 Noche Buena items nitong huling linggo ng Nobyembre gaya ng hamon na may dagdag na… Continue reading Noche Buena items, di kritikal ang epekto sa inflation — PSA

Sen. Bato dela Rosa, iginiit na dapat walang ceasefire kahit isulong ang peace talks sa mga rebelde

Suportado ni Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa ang hakbang ng gobyerno na muling buksan ang peace talks sa mga komunsitang grupo. Gayunpaman, kondisyon ni Dela Rosa, dapat ay walang ceasefire. Paliwanag ng senador, marami na kasing mga pagkakataon na ginagamit lang ng mga rebelde ang ceasefire para magpalakas muli at kalaunan ay umatake lang muli.… Continue reading Sen. Bato dela Rosa, iginiit na dapat walang ceasefire kahit isulong ang peace talks sa mga rebelde

Tagumpay ng NTF-ELCAC, pinuri ng Pangulo sa ika-5 anibersaryo ng grupo

Pinuri ng Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) sa kanilang pagpapalaya ng libo-libong barangay mula sa impluwensya ng mga komunista mula nang itinatag ang grupo. Ang mensahe ng Pangulo ay binasa ni Special Assistant to the President Secretary Antonio Ernesto Lagdameo Jr. sa pagdiriwang… Continue reading Tagumpay ng NTF-ELCAC, pinuri ng Pangulo sa ika-5 anibersaryo ng grupo

Vice President Sara Duterte, nagpaabot ng pagbati sa mga nakapasa sa 2023 Bar Exams

May tagubilin si Vice President Sara Duterte sa mga nakapasa sa 2023 Philippine Bar Examinations kasunod ng kaniyang pagbati sa mga bagong abogado ng bayan. Sa isang pahayag, sinabi ng Pangalawang Pangulo sa mga nakapasa sa Bar Exam na pagsilbihan ang kapwa Pilipino at ang bansa nang may kababaang loob at integridad. Dapat din aniyang… Continue reading Vice President Sara Duterte, nagpaabot ng pagbati sa mga nakapasa sa 2023 Bar Exams

PNP, nanindigang walang failure of intelligence sa nangyaring pagsabog sa Mindanao State University

Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na walang naging failure of intelligence sa panig ng security forces kasunod ng nangyaring pagsabog sa loob ng campus ng Mindanao State University (MSU) sa Marawi City noong Linggo. Ito’y sa kabila ng naging pahayag noon ni Bangsamoro Interior Minister, Atty. Naguib Sinarimbo na may mga kumakalat nang text… Continue reading PNP, nanindigang walang failure of intelligence sa nangyaring pagsabog sa Mindanao State University