Pagkakaloob ng teaching supplies allowance sa mga guro, pinagtibay ng Kamara

Mayorya ng mga mambabatas ang pumabor para pagtibayin sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 9682. Sa ilalim nito, isasabatas na ang pagkakaloob ng “teaching supplies allowance” para sa mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa. Sa paraang ito ay mababawasan ang pasanin sa pera ng mga guro. Oras na maging ganap na… Continue reading Pagkakaloob ng teaching supplies allowance sa mga guro, pinagtibay ng Kamara

SEC, nagpaalala sa mga korporasyon na mag-avail ng amnesty program upang hindi mabawian ng certificate of registration

Meron na lamang tatlong linggo o hanggang December 31 para sa mga korporasyon na nais mag-avail ng amnesty program ng Securities and Exchang Commission. Ito ang paalala ng SEC ngayong nalalapit na ang deadline sa amnesty program. Layon ng inisyatiba na makumpleto ang reportorial requirements ng mga kumpanya at mabigyan ng pagkakataon ang mga non-compliant,… Continue reading SEC, nagpaalala sa mga korporasyon na mag-avail ng amnesty program upang hindi mabawian ng certificate of registration

Dagdag na malilikhang trabaho, asahan na matapos bilhin ng Okada Group ang Emerald Bay Resort sa Cebu

Inanunsyo ngayon ng Tiger Resort Leisure & Entertainment, Inc. (TRLEI), ang may-ari at operator ng Okada Manila Integrated Casino, Hotel, and Entertainment Complex na malapit na nitong matapos ang pag-develop sa Emerald Bay Resort sa Cebu. Ito’y matapos silang pumasok sa isang exclusive partnership sa Lapu-Lapu Leisure, Inc. (LLI) at Lapu-Lapu Land Corp. (LLC), na… Continue reading Dagdag na malilikhang trabaho, asahan na matapos bilhin ng Okada Group ang Emerald Bay Resort sa Cebu

Nagbukas na muli ang Hinatuan Enchanted River isang linggo matapos ang 7.4 magnitude na lindol

Nagbukas na muli kahapon, Disyembre 12 ang Hinatuan Enchanted River and Underground Cave System (HERUCS) isang linggo matapos isara dahil sa nangyaring 7.4 magnitude na lindol. Matatandaang isinara ang nasabing tourist destination ng isang linggo upang bigyang daan ang ginawang damage assessment sa buong lugar at masegurong ligtas sa lahat ng dadayo doon. Ayon kay… Continue reading Nagbukas na muli ang Hinatuan Enchanted River isang linggo matapos ang 7.4 magnitude na lindol

DENR-CENRO Lipa at Palawan Pawnshop, nagtulungan sa pagtatanim ng  P1-M puno

Nagtulungan ang DENR-Community Environment and Natural Resources Office o CENRO Lipa at Palawan Pawnshop sa pagtatanim ng isang milyong puno. Ayon sa pabatid ng DENR Calabarzon, sa ilalim ng One Million Tree Project: Handog ng Palawan Pawnshop sa Kalikasan, isinagawa ang serye ng tree planting activities noong Agosto, Setyembre, Oktubre, at Nobyembre. Mga punla ng… Continue reading DENR-CENRO Lipa at Palawan Pawnshop, nagtulungan sa pagtatanim ng  P1-M puno

SP Zubiri, iminungkahi ang pagsama ng U.S., iba pang allied countries ng Pilipinas sa mga resupply mission sa Ayungin Shoal

Hinikayat ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang Estados Unidos at iba pang mga bansang kaalyado ng Pilipinas na sumama sa resupply mission ng ating tropa sa Ayungin Shoal sa BRP Sierra Madre. ito ay sa gitna ng patuloy na harassment at pambu-bully ng China sa mga sasakyang pandagat ng Pilipinas sa West Philippine Sea,… Continue reading SP Zubiri, iminungkahi ang pagsama ng U.S., iba pang allied countries ng Pilipinas sa mga resupply mission sa Ayungin Shoal

Academic adjustment policy, ipatutupad sa Mindanao State University — CHED

Photo courtesy of MSU Main Campus Fb

Kinumpirma ng Commission on Higher Education (CHED) na magpapatupad ng academic adjustment policy ang Mindanao State University (MSU) kasunod ng nangyaring bombing incident sa kanilang Marawi-campus. Sa isang pahayag, sinabi ng CHED na inatasan na ng Board of Regents (BOR) si MSU President Basari Mapupuno na magpatupad ng ilang hakbang para matugunan ang aftermath ng… Continue reading Academic adjustment policy, ipatutupad sa Mindanao State University — CHED

PUV units na nakapag-consolidate na, umabot na sa 70% — LTFRB 

Umakyat na sa 70% ng mga Public utility Vehicle o PUV units sa bansa ang nakapag-consolidate na sa ilalim ng PUV Modernization Program. Ito ang iniulat ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na mas mataas na sa target ng programa na 65%. Ayon sa LTFRB, katumbas na ito ng kabuuang 153,787 consolidated units… Continue reading PUV units na nakapag-consolidate na, umabot na sa 70% — LTFRB 

U.S., susuporta sa resupply mission sa Ayungin Shoal

Handa ang Estados Unidos na suportahan ang regular na resupply mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal. Ito ang sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. sa panayam ng mga mamamahayag sa Camp Aguinaldo kahapon kasunod ng pag-uusap nila sa telepono ni US Chairman of the… Continue reading U.S., susuporta sa resupply mission sa Ayungin Shoal

18 Pilipinong naipit sa gulo sa Lebanon, nakatakdang magbalik bansa ngayong araw

Nakatakdang umuwi na sa Pilipinas ngayong araw ang nasa 18 Pilipino na naipit sa gulo sa pagitan ng Israeli Forces at ng Lebanese Militant Group na Hezbollah. Batay sa anunsyo ng Department of Migrant Workers (DMW), sakay ang mga naturang Pilipino ng Qatar Airways flight QR932 mula sa Doha. Inaasahang alas-4:30 mamayang hapon lalapag ang… Continue reading 18 Pilipinong naipit sa gulo sa Lebanon, nakatakdang magbalik bansa ngayong araw