Pamamahagi ng mga learning material para sa mga mag-aaral, nagpatuloy na ayon sa DepEd

Inanunsyo ng Department of Education (DepEd) na nagpatuloy na ang pamamahagi ng mga learning materials para sa mga mag-aaral. Ito’y matapos ihain sa Kamara ang isang resolusyon para imbestigahan ang umano’y hindi nabayarang warehouse fees ng DepEd sa Transpac Cargo Logistics na siyang kinumisyon para maghatid nito. Sa isang pahayag, sinabi ng DepEd na naresolba… Continue reading Pamamahagi ng mga learning material para sa mga mag-aaral, nagpatuloy na ayon sa DepEd

Isang Tech-Voc Institution sa Quezon City, ipinasara ng DMW

Pinag-iingat ng Department of Migrant Workers (DMW) ang publiko hinggil sa naglipanang mga Technical Vocational Institution (TVI) na nangangako ng trabaho sa ibayong dagat na hindi naman awtorisado ng pamahalaan. Ito’y makaraang salakayin at ipasara ng DMW ang Match Trend Training Assessment Center na matatagpuan sa Biak na Bato St. Quezon City. Pinangunahan ni Migrant… Continue reading Isang Tech-Voc Institution sa Quezon City, ipinasara ng DMW

Inaprubahang 2024 budget ng kongreso, constitutional — Sen. Angara

Nanindigan si Senate Committee on Finance Chairperson Senador Sonny Angara na constitutional ang panukalang 2024 budget na nabuo ng bicameral conference committee ng dalawang kapulungan ng kongreso. Ang pahayag na ito ni Angara ay kasunod ng komento ni Senate Minority Leader Koko Pimentel na unconstitutional ang nabuong 2024 General Appropriations Bill (GAB) dahil lumagpas ito… Continue reading Inaprubahang 2024 budget ng kongreso, constitutional — Sen. Angara

Pagpapalakas ng PNP-IAS, isinusulong ni Sen. Alan Cayetano

Sinabi ni Senador Alan Peter Cayetano na dapat mapalakas ang Internal Affairs Service (IAS) ng Philippine National Police (PNP) para epektibong malabanan ang katiwalian sa hanay ng mga pulis. Ayon kay Cayetano, dapat maramdaman ng mga pulis na may institusyong nagbabantay sa kanila at may kakayahang panagutin sila mula sa pinakamababang ranggo hanggang sa pinakamataas.… Continue reading Pagpapalakas ng PNP-IAS, isinusulong ni Sen. Alan Cayetano

NEDA, may nakalatag nang mga hakbang upang maibsan ang epekto ng El Niño sa ekonomiya

Tiniyak ng National Economic and Development Authority (NEDA) na may nakalatag na mga hakbang ang pamahalaan para maibsan ang epekto ng El Niño phenomenon sa takbo ng ekonomiya ng bansa. Ito ang tinuran ni NEDA Sec. Arsenio Balisacan kasunod na rin ng kanilang projection na hindi magdudulot ng malaking epekto sa ekonomiya ang El Niño.… Continue reading NEDA, may nakalatag nang mga hakbang upang maibsan ang epekto ng El Niño sa ekonomiya

Pagsang-ayon ng Kongreso sa amnesty proclamation ng Pangulo, pinuri ng NTF-ELCAC

Pinuri ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang pagsang-ayon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa Presidential Proclamation na nagkakaloob ng amnestiya sa mga miyembro ng rebeldeng grupo. Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr. ang pag-adopt ng House Concurrent Resolution (HCR) 19, 20, 21, at 22, ay… Continue reading Pagsang-ayon ng Kongreso sa amnesty proclamation ng Pangulo, pinuri ng NTF-ELCAC

2.6-M pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX isang linggo bago mag-Pasko

Aabot sa 2.6 milyong mga pasahero ang inaasahang daragsa sa Paranaque Integrated Terminal Exchange (PITX) 10 araw bago mag-Pasko. Ayon kay PITX Corporate Affairs and Government Relations Head Jason Salvador, nakahanda na ang terminal sa pagdagsa ng ating mga kababayan na uuwi at magsisibakasyon ngayong holiday season. Dagdag pa ni Salvador, inaasahan na ang pagdagsa… Continue reading 2.6-M pasahero, inaasahang dadagsa sa PITX isang linggo bago mag-Pasko

DOT, patuloy na palalakasin ang komportableng tourism experience sa Pilipinas

Patuloy na palalakasin ng Department of Tourism ang komportableng tourism experience at mas makapanghikayat pa ng mas maraming dayuhang turista sa bansa. Ayon kay Tourism Secretary Christina Frasco patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga national government agencies tulad ng Department of Foreign Affairs ay Bureau of Immigration sa pagpapabilis ng proseso ng visa sa mga foreign… Continue reading DOT, patuloy na palalakasin ang komportableng tourism experience sa Pilipinas

Hungary at Austria, nangangailangan ng 10,000 hanggang 20,000 skilled workers sa kanilang bansa — DMW

Nangailangan ang mga bansang Hungary at Austria ng nasa 10,000 hanggang 20,000 skilled workers sa kanilang bansa. Ayon kay Migrant Workers Undersecretary for Policy and International Cooperation Atty. Patricia Yvonne Caunan, nakipag-usap na silasa naturang mga bansa at bukod sa trabahong alok, ay nais din nilang magbigay ng scholarship at training program sa mga Pinoy.… Continue reading Hungary at Austria, nangangailangan ng 10,000 hanggang 20,000 skilled workers sa kanilang bansa — DMW

DOTr, bubuksan ang kanilang tanggapan hanggang weekend para sa mga nais pang humabol sa PUV Consolidation

Upang mas marami pang makahabol sa deadline ng consolidation ng Public Utility Vehicles (PUVs), bubuksan ng Department of Transportation (DOTr) ang mga tangapan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), at Office of Transportation Cooperative hanggang Sabado at Linggo. Ayon kay Transportation Undersecretary Timothy Batan, layon ng kanilang pagbubukas ng kanilang mga tanggapan over… Continue reading DOTr, bubuksan ang kanilang tanggapan hanggang weekend para sa mga nais pang humabol sa PUV Consolidation