Nakapagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 156 na insidenteng may kinalaman sa pagpapatupad ng Oplan Ligtas Paskuhan 2023.
Ito ang iniulat ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. matapos na magsagawa ng inspeksyon sa bentahan ng paputok sa Bocaue, Bulacan kaninang umaga.
Sa 156 na insidente, 36 ang ilegal na pag-iingat, paggamit at pagbebenta ng paputok, na nagresulta sa pagkaaresto ng 12 indibidual.
Nakumpiska naman ng PNP ang mga ilegal na paputok na nagkakahalaga ng kabuuang P224,130 na kinabibilangan ng Piccolo, Pop-pop, Five Star, Pla-pla, Giant Bawang, Judas Belt, Boga, Kwiton, Sawa, Roman Candle, at Kingkong.
Sa ngayon, nasa dalawng tao na ang nasawi at 108 iba pa ang sugatan dahil sa paputok.
Ang dalawang nasawi ay biktima ng pagsabog ng delivery truck na nakaparada sa terminal sa Marikina noong Disyembre 17. | ulat ni Leo Sarne