Inaprubahan ng Asian Development Bank (ADB) ang $2.1-billion dollar loan para sa konstruksyon ng 32.15 kilometer bridge na magdudugtong sa Bataan at Cavite provinces.
Ang climate-resilient bridge na itatayo sa ibabaw ng Manila Bay ay naglalayong i-decongest ang Metro Manila at pasiglahin ang ekonomiya ng Bataan, Cavite, at mga karatig probinsya.
Ayon kay ADB Vice President for East and SouthEast Asia and the Pacific Scott Morris, ang nasabing proyekto ang magpapabago ng economic landscape ng Central Luzon.
Aniya, bubuksan nito ang mga opportunidad sa trade, manufacturing, and industrial output at turismo.
Ang Bataan-Cavite Interlink Bridge na kabilang sa flagship project ng Marcos Jr. administration ay ang pinaka-latest installment ng ADBs Broader Agenda of Support para makamit ang mas pinalakas na urban at regional transport network.
Ang ADB-BCIB project ay isasailalim sa multi-tranche financing facility, kung saan ang unang tranche ay nagkakahalaga ng $650-million. | ulat ni Melany Valdoz Reyes