Arestado ng mga tauhan ng Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) ang dalawang indibidwal sa Caloocan City dahil sa pagbebenta ng mga paputok online.
Sa panayam ng media kay PNP-ACG Cyber Response Unit Chief, Police Colonel Jay Guillermo, nahuli ang dalawa sa magkahiwalay na operasyon na ikinasa noong Disyembre 19 at 21.
Kinilala ang mga nahuli na sina Sabino Medenilla at Rodel Constantino
Mahaharap ang mga ito sa reklamong paglabag sa Republic Act 7183 o ang Firecrackers Regulation Act at Cybercrime Prevention Act of 2012.
Paalala naman ni Guillermo sa publiko, hangga’t maaari ay iwasang makipagtransaksyon online lalo’t ang pinapayagan lamang na magbenta ng paputok ay iyong may mga puwesto na binigyan ng permit.
Paglilinaw naman ni Gullermo, ligal man o iligal man ang paputok oras na idaan ito online ay iligal na ito. | ulat ni Jaymark Dagala