20% diskwento sa maagang magbabayad ng amilyar sa QC, mananatili hanggang Dec. 31

Facebook
Twitter
LinkedIn

Patuloy na hinihikayat ng Quezon City local government ang mga taxpayer sa lungsod na magbayad na ng maaga ng kanilang Real Property Tax o amilyar para makakuha pa ng diskwento.

Ayon sa LGU, mananatili pa rin ang 20% discount kung ang 2024 RPT ay mababayaran nang buo hanggang December 31, 2023.

Paiiralin naman ang 10% diskwento kung ang full payment ng amilyar ay gagawin mula January 1 hanggang March 31, 2024.

Habang wala nang magiging discount kung ang pagbabayad ay gagawing hulugan o quarterly installment.

Paliwanag ng LGU, ang nalilikom na pondo mula sa Real Property Tax ay ginagamit sa pagpapalawig ng mga proyekto at programang pangkalusugan, pang-edukasyon, at iba pang social services programs ng lokal na pamahalaan para sa QCitizens.

Maaari namang magbayad ng amilyar sa City Hall, o sa mga City Treasurer’s Office (CTO) branches at satellite offices. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us