Rekomendasyon ng mga regional director ng PNP sa muzzle-taping ng baril, hinihintay

Hinihintay pa ng Philippine National Police (PNP) ang rekomendasyon ng mga regional directors kung ipatutupad ang muzzle taping sa mga baril ng pulis kasabay ng pagdiriwang sa pagpapalit ng taon. Ayon kay PNP Public Information office Chief Colonel Jean Fajardo, bukod sa baril, maaari naman aniyang gamitin ng mga pulis ang non-lethal approach sa pagresponde… Continue reading Rekomendasyon ng mga regional director ng PNP sa muzzle-taping ng baril, hinihintay

AFP, magdiriwang ng ika-88 anibersaryo bukas

Ipagdiriwang ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang ika-88 anibersaryo bukas, Disyembre 21. Sa abisong inilabas ni AFP Public Affairs Office Chief Col. Xerxes Trinidad, ang anniversary program ay isasagawa sa Lapu-Lapu Grandstand, sa Camp Aguinaldo. Inaasahang dadalo sa pagdiriwang sina Department of National Defense (DND) Secretary Gilbert Teodoro at AFP Chief of… Continue reading AFP, magdiriwang ng ika-88 anibersaryo bukas

2 buntis na NPA naligtas ng militar; 2 pa sumuko sa Negros Oriental

Binati ni Philippine Army 3rd Infantry “Spearhead” Division Commander Major General Marion R. Sison ang mga sundalo, pulis at local government unit sa pagkakaligtas ng dalawang buntis na NPA at pagsuko ng dalawang iba pa sa Negros Oriental. Ito’y kasunod ng matagumpay na rescue operation ng mga tropa ng 11IB kasama ang PNP sa boundary… Continue reading 2 buntis na NPA naligtas ng militar; 2 pa sumuko sa Negros Oriental

Angat at Ipo Dam, nagpapakawala pa rin ng tubig

Patuloy ang pagpapakawala ng tubig ng Angat at Ipo Dam sa Bulacan ngayong Miyerkules. Sa inilabas na update ng PAGASA Hydrome­teorology Division, kaninang alas-6 ng umaga, nanatiling bukas ang tig-tatlong gate ng dalawang dam. Bahagya lang na nabawasan ang lebel ng tubig sa Angat Dam na nasa 213.22 meters ngayong umaga, mas mataas pa rin… Continue reading Angat at Ipo Dam, nagpapakawala pa rin ng tubig

Panukalang total ban sa paputok, suportado ng BAN Toxics

Suportado ng toxic watchdog group na BAN Toxics ang panukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos na total ban sa paputok. Ito’y matapos ang panawagan ni DILG Secreyary Benhur Abalos sa mga LGU na magpasa ng mga ordinansa na nagbabawal sa mga paputok sa bahay at iba pang lugar.… Continue reading Panukalang total ban sa paputok, suportado ng BAN Toxics

Pinalawak na ayuda program ng pamahalaan, nakapaloob sa 2024 budget na lalagdan ni PBBM ngayong araw

Ibinida ni House Speaker Martin Romualdez na malaking bahagi ng 2024 National Budget ang inilaan para tulungan ang mga mahihirap na kabahayan na kulang ang income o sahod. Kasabay ng nakatakdang paglagda ngayong araw ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Pambansang Pondo para sa susunod na taon, sinabi ng House leader na naglaan ng… Continue reading Pinalawak na ayuda program ng pamahalaan, nakapaloob sa 2024 budget na lalagdan ni PBBM ngayong araw

Malabon LGU, may alok na 5% tax discount sa mga negosyanteng maagang makakapagbayad ng buwis

Hinikayat ng Malabon LGU ang mga negosyante sa lungsod na magbayad na ng maaga ng kanilang taunang buwis. Mayroon itong alok na 5% discount kapag nabayaran nang buo o full payment ang business tax bago ang Enero 20, 2024. Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, inilunsad ang inisyatibong ito upang makatulong sa mga negosyante sa lungsod.… Continue reading Malabon LGU, may alok na 5% tax discount sa mga negosyanteng maagang makakapagbayad ng buwis

Higit 50,000 indibidwal, nananatili sa evacuation centers bunsod ng epekto ng shear line at bagyong Kabayan

Nadagdagan pa ang bilang ng mga pamilyang apektado ng mga pag-ulang dala ng shear line at bagyong Kabayan. Ayon sa Department of Social Welfare and Development (DSWD), umakyat pa sa 53,000 pamilya o katumbas ng higit 183,000 indibidwal ang apektado ng kalamidad sa anim na rehiyon sa bansa. Mula sa bilang na ito, aabot naman… Continue reading Higit 50,000 indibidwal, nananatili sa evacuation centers bunsod ng epekto ng shear line at bagyong Kabayan

MWSS, humirit na itaas ang water elevation ng Angat Dam sa pagtatapos ng taon

CRITICAL. Angat Dam in Norzagaray, Bulacan is down to 180.67 meters of elevation as of 4 p.m. on Thursday (July 6, 2023). It started the day at 180.89 meters. The dam’s minimum operating level is 180 meters. It supplies nearly the entire potable water needs of Metro Manila. (PNA photo by Joan Bondoc)

Hiniling ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) sa National Water Resources Board (NWRB) na maiangat sa 214 meters ang water elevation sa Angat Dam sa pagtatapos ng taong 2023. Mas mataas pa ito sa normal high water level ng dam na 212 meters. Sa panayam sa media, sinabi ni MWSS Division Manager Engr. Patrick… Continue reading MWSS, humirit na itaas ang water elevation ng Angat Dam sa pagtatapos ng taon

Operasyon ng LRT lines 1 at 2 gayundin ng MRT-3, pinahahabaan ng DOTr

Ipinag-utos ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista sa mga pamunuan ng Light Rail Transits 1 at 2 gayundin ng Metro Rail Transit (MRT) 3 na palawigin pa ang oras ng kanilang biyahe. Ito’y upang makatugon sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero ngayong panahon ng Pasko o iyong tinatawag na Christmas rush kung saan,… Continue reading Operasyon ng LRT lines 1 at 2 gayundin ng MRT-3, pinahahabaan ng DOTr