Sen. Bong Go, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang problema sa mental health

Muling hiniling ni Senate Committee on Health Chairperson Senador Christopher ‘Bong’ Go sa pamahalaan na tutukan ang problema sa mental health sa bansa. Ito ay sa gitna aniya ng bilang ng mga Pilipino na nangangailangan ng mental health assistance dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic. Binigyang-diin ng senador, na sa ngayon ay tumaas ang mga… Continue reading Sen. Bong Go, nanawagan sa pamahalaan na tugunan ang problema sa mental health

LTFRB, inatasan ang mga kumpanya ng bus na tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero na bibiyahe ngayong holiday season

Inatasan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang mga kumpanya ng bus at operator na tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero na uuwi sa kani-kanilang mga probinsya ngayong Kapasakuhan. Ayon kay LTFRB Chairperson Teofilo Guadiz III, binigyan na niya ng direktiba ang mga kumpanya ng bus na magpatupad ng mga safety measure kabilang… Continue reading LTFRB, inatasan ang mga kumpanya ng bus na tiyakin ang kaligtasan ng mga pasahero na bibiyahe ngayong holiday season

Sen. JV Ejercito, iginiit na dapat kilalanin ng China na sa Pilipinas ang West Philippine Sea

Ipinahayag ni Senador JV Ejercito na mali ang claim ng China na pinangangasiwaan nito sa pamamagitan ng diyalogo at konsultasyon ang isyu sa West Philippine Sea. Tugon ito ng deputy majority leader sa naging pahayag ng tagapagsalita ng Chinese embassy. Giit ni Ejercito, ang China ang patuloy na nangha-harass sa operasyon ng Pilipinas sa loob… Continue reading Sen. JV Ejercito, iginiit na dapat kilalanin ng China na sa Pilipinas ang West Philippine Sea

DSWD, nagsimula nang mamahagi ng food stamp sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Tondo, Maynila

Umarangkada na ang pamamahagi ng food stamps para sa mga kwalipikadong benepisyaryo ng Food Stamp Program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Tondo, Maynila. Pinangunahan nina Undersecretary for Innovations Eduardo Punay at Assistant Secretary Baldr Bringas ang pamamahagi ng food stamp sa 800 benepisyaryo. Binigyan ang mga benepisyaryo ng Electronic Benefit Cards… Continue reading DSWD, nagsimula nang mamahagi ng food stamp sa mga kwalipikadong benepisyaryo sa Tondo, Maynila

Pangulong Marcos Jr., inaprubahan ang increase sa tinatanggap ng mga medal of valor awardee

Asahan na ang dagdag na tinatanggap na buwanang gratuity pay ng mga medal of valor awardee na mga kawal ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Kasunod ito ng naging anunsiyo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa increase ng monthly gratuity ng mga sundalong kasama sa roster na nagawaran ng medal of valor… Continue reading Pangulong Marcos Jr., inaprubahan ang increase sa tinatanggap ng mga medal of valor awardee

Kamara, muling tiniyak ang maigting na suporta para sa sandatahang lakas kasabay ng ika-88 taong anibersaryo ng AFP

Muling binigyang kasiguruhan ni Speaker Martin Romualdez ang commitment ng Kamara na pondohan ang mga programa ng Marcos Jr. administration para palakasin ang kapabilidad ng AFP lalo na pagdating sa pagdepensa sa West Philippine Sea. Ito ang tinuran ng lider ng Kamara kasabay ng pakikibahagi sa selebrasyon ng ika-88 taong anibersaryo ng Sandatahang Lakas ng… Continue reading Kamara, muling tiniyak ang maigting na suporta para sa sandatahang lakas kasabay ng ika-88 taong anibersaryo ng AFP

Planong pagkwestiyon sa Korte Suprema ng 2024 budget, nirerespeto ni Senate President Zubiri

Nirerespeto ni Senate President Juan Miguel Zubiri ang balak na pagkwestyon ni Senate Minority Leader Koko Pimentel sa inaprubahang P5.768 trillion na 2024 national budget. Una nang sinabi ni Pimentel na pinag-aaralan na nila ang legalidad ng pambansang pondo matapos nitong kwestyunin kung bakit tumaas nang husto ang pondo sa ‘unprogrammed funds’ mula sa P281… Continue reading Planong pagkwestiyon sa Korte Suprema ng 2024 budget, nirerespeto ni Senate President Zubiri

Ligtas at malinis na tubig sa 2024, pinatitiyak ni Senadora Grace Poe

Nais ni Senate Committee on Public Services Chairperson Senadora Grace Poe na matiyak na magkakaroon ang bansa ng sapat at malinis na tubig sa kabila ng banta ng El Niño sa susunod taon. Ikinatuwa naman ni Poe ang ibinigay na katiyakan ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na naghanda sila ng husto para maibsan… Continue reading Ligtas at malinis na tubig sa 2024, pinatitiyak ni Senadora Grace Poe

OVP, namigay ng pamaskong handog sa Davao City

Nagsagawa ng gift-giving activity ang Office of the Vice President sa Davao City sa Mabini Elementary School sa Bangkal at People’s Park sa lungsod ng Davao kaninang umaga. Umabot sa mahigit 5,000 benepisyaryo ang nabigyan ng 5 kilong bigas at noche buena package sa ginawang aktibidad. Kabilang sa mga benepisyaryo na nakatanggap ng pamaskong handog… Continue reading OVP, namigay ng pamaskong handog sa Davao City

Agricultural Economic Sabotage Bill, hindi na mangangailangan ng IRR — Sen. Francis Tolentino

Iginiit ni Senador Francis Tolentino na hindi na kailangan ng implementing rules and regulations (IRR) para sa inaprubahang Senate Bill 2432 o ang Anti-Agricultural Economic Sabotage Act. Pinunto ni Tolentino, ang amyendang isinulong niya sa panukalang batas kung saan hahayaan itong maging self-executory o epektibo oras na malagdaan ng Pangulo nang hindi na kailangan pang… Continue reading Agricultural Economic Sabotage Bill, hindi na mangangailangan ng IRR — Sen. Francis Tolentino