Labi ng NPA na inabandona ng mga kasama, natagpuan malapit sa encounter site sa Batangas

Natagpuan ng puwersa ng pamahalaan ang labi ng opisyal ng New People’s Army (NPA) malapit sa pinangyarihan ng engkwentrong naganap noong Disyembre 17 sa Balayan, Batangas. Natagpuan ng mga tropa ng 59th Infantry “Protector” Battalion at kapulisan,ang katawan ni Alias Kyrie/Vince, Vice Platoon Leader ng SPP Kawing ng Southern Tagalog Regional Party Committee Sub-Regional Military… Continue reading Labi ng NPA na inabandona ng mga kasama, natagpuan malapit sa encounter site sa Batangas

Agarang pagsasapinal ng reciprocal access agreement, suportado ni Gen. Brawner at Japan Self-Defense Force Chief

Kapwa nagpahayag ng suporta sa agarang pagsasapinal ng Reciprocal Access Agreement sa pagitan ng Pilipinas at Japan si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. at ang kanyang Japanese counterpart na si Japan Self Defense Force Chief of Joint Staff Gen. Yoshida Yoshihide. Ito’y sa pag-uusap ng dalawang opisyal… Continue reading Agarang pagsasapinal ng reciprocal access agreement, suportado ni Gen. Brawner at Japan Self-Defense Force Chief

Peace partners ng militar, pinarangalan sa pagdiriwang ng ika-88 anibersaryo ng AFP

Pinangunahan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. ang pagkilala sa mga natatanging “peace partners” ng militar sa pamamagitan ng “Pagkakaisa Awarding Ceremony” kahapon ng umaga sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo. Ang paggawad ng “Pagkakaisa Award” ay bahagi ng mga aktibidad sa pagdiriwang ng ika-88 anibersaryo… Continue reading Peace partners ng militar, pinarangalan sa pagdiriwang ng ika-88 anibersaryo ng AFP

Pagtuturo ng iba pang lengguwahe sa kolehiyo, pantapat sa humihinang English proficiency ng mga Pilipino

Iminungukahi ni Bohol Representative Kristine Tutor na hasain sa iba pang mga lengguwahe ang mga mag-aaral sa kolehiyo para ma-offset ang paghina sa Ingles ng mga Pilipino. Ayon sa mambabatas dapat ay dagdagan ng mga kolehiyo ang kanilang foreign language programs at isama ang Arabic, Korean, Japanese, at maging European language. Sa paraan aniyang ito… Continue reading Pagtuturo ng iba pang lengguwahe sa kolehiyo, pantapat sa humihinang English proficiency ng mga Pilipino

Kampanya kontra kahirapan, nananatiling prayoridad ng Administrasyong Marcos Jr. — NEDA

Nananatiling prayoridad ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na labanan ang kahirapan sa bansa sa pamamagitan ng paglikha mas maraming trabaho. Ito ang inihayag ng National Economic and Development Authority (NEDA) makaraang ilabas ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang 16.4% poverty incidence sa unang 6 na buwan ng 2023. Sa kaniyang panig, sinabi… Continue reading Kampanya kontra kahirapan, nananatiling prayoridad ng Administrasyong Marcos Jr. — NEDA

CDO solon, hinimok si PBBM na hingin na ang tulong ng US sa West Philippine Sea

Iminungkahi ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na hingin na ang tulong ng Amerika upang hindi na maulit ang ginagawang pag-atake ng China sa mga naglalayag na barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea. Kasunod ito ng pahayag ng presidente na nananawagan para sa paradigm shift sa pagtugon… Continue reading CDO solon, hinimok si PBBM na hingin na ang tulong ng US sa West Philippine Sea

Makulimlim na Pasko, asahan sa Metro Manila, ilang bahagi ng bansa

Inaasahan ng PAGASA na magpapatuloy ang maulap at madalas na makulimlim na panahon na may tyansa ng pag-ulan sa Metro Manila at ilang bahagi ng bansa hanggang sa araw ng Pasko. Ayon sa PAGASA, ito ay bunsod ng pag-iral ng shear line na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Luzon at pati na ang northeast monsoon… Continue reading Makulimlim na Pasko, asahan sa Metro Manila, ilang bahagi ng bansa

Bilang ng mga Pilipinong mahirap, bahagyang bumaba sa unang anim na buwan ng 2023 — PSA

Bumaba ang bilang ng mga Pilipinong mahirap sa unang anim na buwan ng 2023. Batay sa ulat ng Philippine Statistics Authority, bumaba sa 22.4% ang poverty incidence sa unang semester ng 2023, mula sa 23.7% na naitala noong taong 2021. Katumbas ito 25.24 milyong Pilipino na nakararanas ng kahirapan sa unang bahagi ng 2023. Ang… Continue reading Bilang ng mga Pilipinong mahirap, bahagyang bumaba sa unang anim na buwan ng 2023 — PSA

Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Matandang Balara, QC

Isang sunog ang bumulabog sa mga residente sa isang residential area sa Visayan Hills Barangay Matandang Balara sa Quezon City kaninang umaga. Sa salaysay ng mga residente, nagsimula ang sunog bago mag-alas-8 ng umaga kaya agad rin silang nagkumahog sa paglikas at pagbitbit ng mga gamit na maaaring maisalba. Sa inisyal namang ulat ng BFP,… Continue reading Sunog, sumiklab sa isang residential area sa Matandang Balara, QC

Naval Forces West, nagpasalamat sa lahat ng nakiisa sa matagagumpay na paghatid ng pamasko sa mga tropa sa WPS

Nagpasalamat ang Naval Forces West (NFW) sa lahat ng sponsor, organisasyon, partner at stakeholder na nakiisa sa matagumpay na paghahatid ng pamasko sa mga tropang naka-deploy sa 9 na outpost ng Pilipinas sa Kalayaan Island Group sa West Philippine Sea. Ang misyon na isinagawa kasabay ng regular na Rotation Operation at Resupply at maritime patrol… Continue reading Naval Forces West, nagpasalamat sa lahat ng nakiisa sa matagagumpay na paghatid ng pamasko sa mga tropa sa WPS