Finance Sec. Diokno, nagpasalamat sa papuri at suhestiyong ibinigay ng IMF sa pinakahuling report nito

Ipinahayag ni Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno ang pasasalamat nito sa International Monetary Fund (IMF) team para sa kanilang feedback sa kasalukuyang mga polisiya ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ayon sa Finance Chief, nagpapasalamat siya sa mga mahalagang payo ng IMF tungo sa sustainable development at economic stability sa bansa.… Continue reading Finance Sec. Diokno, nagpasalamat sa papuri at suhestiyong ibinigay ng IMF sa pinakahuling report nito

Pagbabayad ng travel tax online ng mga palabas ng bansa hinikayat gawin ng TIEZA

Sa patuloy na pagdagsa ng mga biyahero sa mga paliparan sanhi ng Holiday season, hinikayat ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) ang pagbabayad ng travel tax online ng mga pasaherong papalabas ng bansa. Ito ang naging pahayag ng TIEZA, upang gawing mas maayos at mabilis ang pagcheck-in ng mga pasahero at mapaikli ang… Continue reading Pagbabayad ng travel tax online ng mga palabas ng bansa hinikayat gawin ng TIEZA

174 PDL mula sa QCJMD, pinalaya ngayong Disyembre

Aabot sa 174 na Persons Deprived of Liberty (PDL) ang pinalaya sa Quezon City Jail Mail Dormitory bago ang pasko ngayong taon. Ayon kay QCJMD Jail Warden Jail Supt Michelle ng Bonto, pinalaya ang mga PDL mula Disyembre 1 hanggang Disyembre 22, 2023. Nakalaya ang mga ito bunga ng pinaigting na paralegal efforts at decongestion… Continue reading 174 PDL mula sa QCJMD, pinalaya ngayong Disyembre

Pabahay project sa Bataan para sa higit 6K benepisyaryo, uumpisahann na-DHSUD

Sisimulan na ang pagtatayo ng housing project sa lalawigan ng Bataan sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino program. Ayon sa Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD), pormal nang inilunsad ang groundbreaking ceremony ng 1 Bataan Village-Orion Phase 2 project kahapon. Ang aktibidad ay pinangunahan ni DHSUD Assistant Secretary Hanica Rachel Ong… Continue reading Pabahay project sa Bataan para sa higit 6K benepisyaryo, uumpisahann na-DHSUD

DSWD, nagkaloob ng P15.9-M halaga ng tulong sa mga nasunugan sa Lapu-lapu City

Mahigit P15.9-milyong halaga ng cash, food at non-food items ang ipinagkaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang nasunugan sa coastal village sa Lapu-lapu City. Ayon sa DSWD, aabot sa 2,202 pamilya o 5,151 indibidwal ang apektado ng sunog sa Sitio Sta. Maria, Barangay Pusok noong Disyembre 12. Kabuuang 581 kabahayan… Continue reading DSWD, nagkaloob ng P15.9-M halaga ng tulong sa mga nasunugan sa Lapu-lapu City

Labi ng nasawing Pilipino caregiver sa Israel, inaasahang darating ngayong araw sa bansa

Inaasahang darating ngayong araw ang pamilya at ang mga labi ng Pilipinong caregiver na nasawi sa gitna ng laban ng Israeli forces at Hamas militants. Ayon sa Department of Migrant Workers (DMW), inaasahang lalapag ngayong hapon, December 23, lulan ng Etihad Airways flight EY424 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang pamilya ni… Continue reading Labi ng nasawing Pilipino caregiver sa Israel, inaasahang darating ngayong araw sa bansa

Ilang biyahe sa PITX, fully booked na; mga ‘chance passenger’, nagbabakasakali pa ring may masasakyang mga bus ngayong araw

Dalawang araw bago ang araw ng Pasko, patuloy pa rin ang pagdagsa ng mga kababayan nating nais makauwi sa kani-kanilang mga lalawigan ngayong Holiday season dito sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX). Pero para sa ilang ngayon pa lang bibili ng ticket at magtutungo sa nasabing terminal. Ilang biyahe na ang nananatiling fully booked. Sa… Continue reading Ilang biyahe sa PITX, fully booked na; mga ‘chance passenger’, nagbabakasakali pa ring may masasakyang mga bus ngayong araw

Mga pasaherong papauwi ng lalawigan, patuloy ang pagdagsa sa mga bus terminal

Patuloy ang dagsa ng mga pasahero sa ilang bus terminal sa Quezon City para makauwi sa kanilang lalawigan, dalawang araw bago ang Pasko. Sa JAC liner, hanggang alas-9:45 ng umaga, halos hindi na mahulugan ng karayom ang dami ng pasahero na bibiyahe papuntang Quezon Province. May biyahe ring papunta sa ilang lugar sa Central at… Continue reading Mga pasaherong papauwi ng lalawigan, patuloy ang pagdagsa sa mga bus terminal

BFP, nakataas na sa full alert status para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at bagong taon

Nakataas na sa “Code Red Alert Status” ang pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) simula ngayong araw, Disyembre 23, 2023 hanggang Enero 1, 2024. Ito’y bilang paghahanda  lalo na sa National Capital Region sa panahon ng pagdiriwang ng  kapaskuhan at pagsalubong sa bagong taon. Sa ilalim ng Oplan Paalala: Iwas-Paputok, may mga ipinatutupad nang… Continue reading BFP, nakataas na sa full alert status para sa pagdiriwang ng Kapaskuhan at bagong taon

DOTr Maritime Sector, nagpaalala sa karapatan ng mga pasaherong makakansela o maaantala ang biyahe ngayong holiday season

Ipinaalala ng Department of Transportation (DOTr) Maritime Sector sa mga pasahero lalo na sa mga maglalakbay ngayong holiday season ang kanilang karapatan kung sakaling makansela o maantala ang mga byahe ng mga ito. Ito’y alinsunod sa layunin ng DOTr sa Oplan Biyaheng Ayos: Pasko 2023 na siguruhing magaan ang karanasan ng lahat ng manlalakbyay ngayong… Continue reading DOTr Maritime Sector, nagpaalala sa karapatan ng mga pasaherong makakansela o maaantala ang biyahe ngayong holiday season