Pakikipag-negosasyon ng Pilipinas sa China, wala nang saysay ayon kay Rep. LRay Villafuerte

Masasayang lang kung ipagpapatuloy pa rin ng Pilipinas ang pakikipag-usap at pakikipag-negosasyon sa China kaugnay pa rin sa isyu sa West Philippine Sea (WPS). Para kay Camarines Sur Rep. LRay Villafuerte, kahit kasi mismong ang Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Chinese President Xi Jinping na ang nag-usap ay lalo lamang nagiging agresibo ang China.… Continue reading Pakikipag-negosasyon ng Pilipinas sa China, wala nang saysay ayon kay Rep. LRay Villafuerte

Pagtaas ng rental rates sa susunod na taon, nilimitahan sa 4%, ayon sa DHSUD

Inaprubahan na ng National Human Settlements Board ang 4% increase cap para sa buwanang residential rental rates na P10,000 at pababa, epektibo Enero 1 hanggang Disyembre 31, 2024. Sa pamamagitan nito, maiiwasan ang hindi makatwirang pagtaas ng rental fees sa mga pamilyang may mababang income. Ang inaprubahang NHSB Resolution No. 2023-03 ay nagbibigay ng continuous… Continue reading Pagtaas ng rental rates sa susunod na taon, nilimitahan sa 4%, ayon sa DHSUD

Online scams, nagsulputan ngayong holiday season, ayon sa DILG

Binalaan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang publiko laban sa pagdami ng online scams ngayong holiday season. Dahil dito, pinayuhan ni DILG Secretary Benhur Abalos, ang publiko na manatiling alerto laban sa online scams na mananamantala ng consumers. Aniya, maaaring i-report ang online scams sa website na www. scamwatchpilipinas.com kung saan… Continue reading Online scams, nagsulputan ngayong holiday season, ayon sa DILG

Agarang tulong sa mga pamilyang nasunugan sa Davao City, ipinag-utos

Ipinag-utos na ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian na tulungan ang mahigit 300 pamilyang nasunugan sa Davao City. Binigyan ng direktiba ni Gatchalian ang DSWD Field Office-11 sa Davao Region na makipag-ugnayan sa Davao City Local Government para sa probisyon ng resource augmentation. Layunin nitong matugunan ang pangangailangan ng mga… Continue reading Agarang tulong sa mga pamilyang nasunugan sa Davao City, ipinag-utos

Presyo ng bilog na prutas, tumaas na

Naramdaman na ang bahagyang pagtaas sa presyo ng mga bilog na prutas sa ilang pamilihan sa Quezon City. Napansin ito ilang araw bago ang pagsalubong sa Bagong Taon. Sa Farmers Market sa Cubao Quezon City, nasa P280 hanggang P300 na ang kada kilo ng carabao mango, P40 ang kada isang piraso ng mansanas, at mayroon… Continue reading Presyo ng bilog na prutas, tumaas na

Pagkakaroon ng isang National Missing Persons Database, itinutulak ng Iloilo lawmaker

Upang mapadali ang muling pagsasama ng mga magkakapamilyang nawalay, ipinapanukala ng isang mambabatas ang pagtatatag ng isang National Missing Persons Database at pagkakaroon ng libreng DNA testing. Sa House Bill 9529 o National Missing Persons Database and DNA Testing Act ni Iloilo Representative Julienne Baronda, magkakaroon ng isang central repository ng lahat ng impormasyon patungkol… Continue reading Pagkakaroon ng isang National Missing Persons Database, itinutulak ng Iloilo lawmaker

Mahigit 400 residente ng La Union, tinulungan ng PSA na magkaroon ng birth certificate

Nagkaroon ng bagong pag-asa ang 430 na residente ng La Union na hindi naireshistro ang kanilang kapanganakan o walang birth certificate. Ito’y matapos silang mairehistro sa ilalim ng PhilSys Birth Registration Assistance Project (PBRAP) ng Philippine Statistics Authority (PSA). Ayon kay Engr. Leny Grace Balanon, Assistant Statistician ng PSA-La Union, sa ilalim ng programa ay… Continue reading Mahigit 400 residente ng La Union, tinulungan ng PSA na magkaroon ng birth certificate

Higit 500,000 MT ng imported rice darating ngayong buwan ng Disyembre hanggang Pebrero

Humigit-kumulang 76,000 metric tons ng bigas mula sa Taiwan at India ang inaasahang darating sa bansa ngayong buwan ng Disyembre at sa unang bahagi ng Enero. Nauna nang nagsimulang dumating ang mga butil na inangkat ng private sector bilang paghahanda sa masamang epekto ng El Niño weather phenomenon. Sinabi ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary… Continue reading Higit 500,000 MT ng imported rice darating ngayong buwan ng Disyembre hanggang Pebrero

Davao City Police Office, muling nagpapaalala sa mga Dabawenyo ukol sa firecracker ban ordinance

Muling nagpaalala ang Davao City Police Office (DCPO) sa mga Dabawenyo ukol sa Davao Fircracker Ban Ordinance kung saan ipinagbabawal ang pagpapaputok sa lahat ng klase ng firecrackers at paggamit ng pyrotechniques. Alinsunod sa Davao Firecracker Ban OrdinanceCity Ordinance 060-02, maaring patawan ng multa ang first offender ng P1,000 o pagkakulong ng dalawampu hanggang tatlumpung… Continue reading Davao City Police Office, muling nagpapaalala sa mga Dabawenyo ukol sa firecracker ban ordinance

Ayuda program na nakapaloob sa 2024 budget, makatutulong sa vulnerable sector na posibleng maaapektuhan ng El Niño

Positibo si House Minority Leader Marcelino Libanan na malaking tulong para sa mga mahihirap at vulnerable sector ang pinalawig na ayuda program ng pamahalaan na nakapaloob sa 2024 national budget. Ayon sa mambabatas, mahalaga ito lalo na at posibleng magdulot ng pagtaas sa presyo ng bilihin ang epekto ng El Niño sa mga tanim at… Continue reading Ayuda program na nakapaloob sa 2024 budget, makatutulong sa vulnerable sector na posibleng maaapektuhan ng El Niño