Wage Hike ng Pinoy workers sa Taiwan, naisabatas na – MECO

Inaprubahan na ng Taiwan Government ang isang batas na naglalayong taasan ang sweldo ng mga manggagawang Pinoy doon. Makikinabang sa bagong batas ang 125,000 mga Filipino factory worker sa Taiwan. Ayon sa Manila Economic and Cultural Office (MECO), noong bago mag Pasko ay isinabatas ng Taiwan’s Legislative Yuan ang dagdag sweldo. Kasama rin sa nilalaman… Continue reading Wage Hike ng Pinoy workers sa Taiwan, naisabatas na – MECO

Sen. Bong Go sa publiko: Suportahan ang mga pelikulang kalahok sa MMFF

Hinikayat ni Senador Christopher ‘Bong’ Go ang publiko na suportahan ang Metro Manila Film Festival (MMFF) at ang local film industry ng Pilipinas. Bilang miyembro ng executive committee ng MMFF, nanawagan ang senador sa mga Pilipino na suportahan ang lokal na pelikula, sining at kultura ng bansa, partikular sa panahon ng MMFF. Ayon kay Go,… Continue reading Sen. Bong Go sa publiko: Suportahan ang mga pelikulang kalahok sa MMFF

Desecration sa mga bangkay, ipinapanukalang gawing isang krimen at patawan ng parusa

Ipinapanukala ni Cotabato Representative Alana Samantha Taliño-Santos na maparusahan ang desecration o pambababoy sa mg bangkay kabilang ang panggagahasa o necrophilia. Ipinunto ng kinatawan sa kaniyang House Bill 9598, na ang karapatan sa pagkakaroon ng dignidad ay hindi lamang para sa mga buhay kung hindi maging sa mga patay. Sa ngayon ayon sa lady solon,… Continue reading Desecration sa mga bangkay, ipinapanukalang gawing isang krimen at patawan ng parusa

Driver’s licence ng taxi driver na naniningil ng P10,000 sa ilang banyagang turista sa NAIA, sinuspinde ng 90 araw ng LTO

Sinuspinde ng 90-araw ng Land Transportation Office (LTO) ang driver’s license ng taxi driver na nahuling naniningil ng P10,000 sa ilang banyagang turista sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Sa inilabas na Show Cause Order ng LTO, pinagpapaliwanag ang taxi driver na kinilalang si Arnel Acle kung bakit hindi ito dapat patawan ng parusa sa… Continue reading Driver’s licence ng taxi driver na naniningil ng P10,000 sa ilang banyagang turista sa NAIA, sinuspinde ng 90 araw ng LTO

96% ng mga Pilipino, sasalubungin ang Bagong Taon ng may pag-asa — survey

Nakararami sa mga Pilipino ang sasalubungin ang 2024 nang may pag-asa. Batay sa resulta ng Social Weather Survey, 96% ng mga Pilipino ang nagsabing haharapin nang may pag-asa ang Bagong Taon. Mas mataas ito kumpara sa 95% na resulta ng survey noong 2022. Samantala, nasa 3% naman ng mga Pilipino ang nagsasabing haharapin nang may… Continue reading 96% ng mga Pilipino, sasalubungin ang Bagong Taon ng may pag-asa — survey

Dagdag sahod para sa mga guro, patuloy na ipinapanawagan sa Kamara

Patuloy na umaasa ang ilang mambabatas sa Kamara na mapagtibay na rin ang panukalang salary hike para sa mga guro. Ito’y matapos pagtibayin ng Mababang Kapulungan sa ikatlo at huling pagbasa ang panukala para taasan ang teaching supplies ng mga guro. Isang kahalintulad na panukala na rin kasi ang napagtibay ng Senado. Ayon kay Camarines… Continue reading Dagdag sahod para sa mga guro, patuloy na ipinapanawagan sa Kamara

DSWD, nagbigay ng tulong sa mga survivor ng MSU bombing

Nagpaabot ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng field offices nito sa mga pamilya at inidbidwal na apektado ng pambobomba sa Mindanao State University (MSU) sa Marawi noong December 3. Ayon sa DSWD, aabot sa P900,000 na financial aid ang naipaabot ng iba’t ibang DSWD field offices sa 138… Continue reading DSWD, nagbigay ng tulong sa mga survivor ng MSU bombing

Pagpapalawig ng mababang taripa sa bigas, mais at baboy, sinang-ayunan ni Sen. Sherwin Gatchalian

Para kay Senador Sherwin Gatchalian, tama ang naging desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palawigin hanggang December 2024 ang mababang taripa para sa bigas, mais at meat products. Ayon kay Gatchalian, magiging pinakamalaking hamon sa buong mundo ang El Niño sa susunod na taon kaya sang-ayon siya sa naging hakbang ng pamahalaan. Paliwanag… Continue reading Pagpapalawig ng mababang taripa sa bigas, mais at baboy, sinang-ayunan ni Sen. Sherwin Gatchalian

Kautusan tungkol sa total ban sa mga paputok, binigyang diin ni Senadora Imee Marcos

Nanawagan si Senadora Imee Marcos para sa patuloy na pagpapatupad ng Executive Order 28 na ipinalabas ni dating Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa pagbabawal ng paggamit ng mga paputok. Ayon kay Marcos, obligado ang administrasyon na pagtibayin ang dating EO. Pinunto ng senadora na sa ilalim ng administrative code, ang mga executive order ay mga… Continue reading Kautusan tungkol sa total ban sa mga paputok, binigyang diin ni Senadora Imee Marcos

DOTr, nanindigan na mananatili ang December 31 deadline para sa ‘jeepney consolidation’

Nagpaabot ng taos-pusong suporta ang Department of Transportation (DOTr) sa lahat ng Public Utility Vehicle operators at drivers na sumali sa PUV Modernization Program ng pamahalaan. Sa isang pahayag, sinabi ni Transportation Secretary Jaime Bautista na mananatili ang itinakdang deadline sa December 31 para sa jeepney consolidation o ‘yung pagsasama-sama ng mga operator at driver… Continue reading DOTr, nanindigan na mananatili ang December 31 deadline para sa ‘jeepney consolidation’