3 lungsod, 6 bayan sa Davao del Norte, nagdeklara na ng suspensyon ng klase para suriin ang mga pampublikong imprastruktura at gusali matapos ang lindol sa Surigao del Sur

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagdeklara na ng suspensyon ng klase ang tatlong lungsod at anim na bayan sa lalawigan ng Davao del Norte bukas, Disyembre 4, 2023 para suriin ang mga gusali at imprastraktura ng mga pampublikong paaralan.

Ito’y matapos tumama ang 7.4 sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong gabi ng Disyembre 2, 2023 na yumanig din sa probinsya.

Ilan sa mga lokal na pamahalaan na nagdeklara ng suspensyon ay mga lungsod ng Tagum City, Panabo City at Island Garden City of Samal, at ang anim na mga bayan naman ng Carmen, Kapalong, Braulio E. Dujali, Sto. Tomas, New Corella at Talaingod.

Ang nasabing deklarasyon ay alinsunod sa inilabas na kautusan ni Governor Edwin Jubahib kung saan pinapasiguro nito sa mga alkalde na masuri ang posibleng mga sir sa pampublikong gusali imprastraktura sa kani-kanilang mga lugar.| ulat ni Armando Fenequito| RP1 Davao

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us