QC LGU, magkakaroon ng special fireworks display sa pagsalubong ng bagong taon

Inaanyayahan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang publiko na samahan sila sa espesyal na pagdiriwang ng bagong taon. Bago ang fireworks display na gagawin sa Quezon Memorial Circle, opisyal na bubuksan ang “QC Countdown to 2024” ng alas-4:00 ng hapon. Katatampukan ito ng iba’t ibang banda at kilalang artists. Samantala, nagpaalala si Mayor Belmonte… Continue reading QC LGU, magkakaroon ng special fireworks display sa pagsalubong ng bagong taon

Administrasyong Marcos Jr., napagtagumpayan ang isa sa mabigat na hamon ngayon 2023—ang mataas na inflation ayon kay Finance Sec. Diokno

Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno na isa sa malaking hamon na napagtagumpayan ng Administrasyong Marcos ngayong taon ay ang mataas na inflation. Kabilang ito sa yearend report ng Finance Department ngayong taon. Ayon kay Diokno, ito ay sa kabila ng elevated inflation sa mundo, global supply chain bottlenecks; nagawa ng gobyerno na bumuo ng… Continue reading Administrasyong Marcos Jr., napagtagumpayan ang isa sa mabigat na hamon ngayon 2023—ang mataas na inflation ayon kay Finance Sec. Diokno

Kampanya laban sa ‘No Registration, No Travel’ policy ng LTO, agresibo nang ipatutupad sa susunod na linggo

Pinaalalahanan na ni LTO Chief Vigor Mendoza II ang mga delinquent motor vehicle owners sa ipatutupad nang mahigpit na “No Registration, No Travel” policy sa buong bansa pagkatapos ng mahabang Christmas and New Year break. Ang mahigpit na pagpapatupad ng polisiya ay may kasamang mabigat na parusa na P10,000 na multa kapag nahuli. Nauna nang… Continue reading Kampanya laban sa ‘No Registration, No Travel’ policy ng LTO, agresibo nang ipatutupad sa susunod na linggo

Bilang ng mga nabiktima ng paputok, umakyat na sa 96 ayon sa DOH

Pumalo na sa 96 ang kabuuang bilang ng mga firework-related injuries (FWRI) ang naitatala ng Department of Health (DOH) magmula nang simulan ng ahensya ang pag-monitor nito bilang bahagi sa pagsalubong ng bagong taon. Ayon sa DOH, walo sa mga pinakahuling kaso ay may edad 5 hanggang 49 at anim sa mga ito ay biktima… Continue reading Bilang ng mga nabiktima ng paputok, umakyat na sa 96 ayon sa DOH

Q City Bus, walang biyahe ngayong Disyembre 30 at Enero 1

Walang biyahe sa walong ruta sa lungsod Quezon ang Q City Bus ngayong araw, Rizal Day, Disyembre 30, 2023 at Enero 1, 2024. Sa abiso na inilabas ng pamahalaang lungsod ng Quezon, magbabalik ang regular na operasyon ng Q City Bus sa Disyembre 31 ng ala-1:00 ng hapon hanggang alas-8:00 gabi. Samantala, magkakaroon ng special… Continue reading Q City Bus, walang biyahe ngayong Disyembre 30 at Enero 1

Panukalang Magna Carta of Tricycle Driver and Operators, isinusulong sa Senado

Ipinapanukala ni Senador JV Ejercito ang pagkakaroon ng Magna Carta of Tricycle Driver and Operators na magsasabatas sa pagprotekta sa kapakanan ng tricycle drivers sa bansa. Sa paghahain ng Senate Bill 2494, ipinunto ni Ejercito na ang mga tricycle ay itinuturing na pangunahin at mahalagang uri ng transportasyon sa bawat barangay, munisipalidad o lungsod sa… Continue reading Panukalang Magna Carta of Tricycle Driver and Operators, isinusulong sa Senado