Pinuri ni Philippine Army 3rd Infantry Division (3ID) Commander MGen. Marion R. Sison ang Negros Occidental Provincial Government at 303rd Brigade sa pag-facilitate ng pamamahagi ng tulong pinansyal sa 57 dating rebelde.
42 sa mga ito na dating miyembro ng NPA ang nakatanggap ng cash na nagkakahalaga ng kabuuang P1.26 milyon mula sa Provincial Government of Negros Occidental sa pamamagitan ng Local Task Force to End Local Communist Armed Conflict.
Habang 15 dating miyembro ng Rebolusyonaryong Partido ng Manggagawa ng Pilipinas/Revolutionary Proletarian Army/Alex Boncayao Brigade (RPMP-RPA-ABB), na ngayon ay kasapi ng Kapatiran para sa Progresibong Panlipunan (KAPATIRAN) ang nakatanggap ng tig-isang kalabaw.
Ang pamamahagi ay isinagawa sa Social Hall, Provincial Capitol Building, Bacolod City, Negros Occidental kahapon.
Sinabi ni MGen. Sison na ang tulong pinansyal ay patunay ng hangarin ng pamahalaan na mabigyan ng pagkakataon na makapagbagong-buhay ang mga dating kalaban ng gubyerno. | ulat ni Leo Sarne
📷: 3ID