Nagsagawa ng humanitarian assistance and disaster response operations ang 67th Infantry Battalion sa mga biktima ng pagbahang dulot ng tropical depression “Kabayan” sa Mindanao kahapon.
Bukod pa rito, ang naturang grupo ay nakipag-ugnayan na rin sa Municipal Disaster Risk Reduction Management Offices sa Davao Oriental, Surigao del Sur, at Agusan Del Sur upang magbigay ng tulong sa mga pamilyang apektado ng bagyo.
Samantala, pinuri ng pamunuan ng Philippine Army ang mga Humanitarian Assistance and Disaster Relief (HADR) team ng 67IB sa pagpapaabot ng kanilang tulong sa mga komunidad na nasalanta ng baha sa kanilang area of responsibility.
Kaugnay nito, si “Kabayan” ay tuluyan na ring humina at naging low-pressure area nalang. | ulat ni Leo Sarne