Natukoy na ng 4th Infantry Division ng Philippine Army ang pagkakakilanlan ng 7 sa 10 teroristang komunista na nasawi sa engkwentro sa Malaybalay City, Bukidnon noong araw ng Pasko.
Ayon kay 8th Infantry Battalion Commanding Officer Lieutenant Colonel Anthony Bacus, kabilang sa nasawi ang mag-asawang NPA na sina Beverly Sinunta alyas Ayang, at ang asawa niyang si Alfredo Banawan alyas Alab.
Kabilang din sa nasawi ang kanilang anak na si Chen-Chen Banawan alyas Pao/Chin2, pawang mga taga Sitio Trukat, Brgy. Cawayan, Quezon, Bukidnon.
Ang iba pang kasamahan nitong NPA na namatay ay kinilalang sina Penita Singaman, alyas “Pening,” , Bebot Solinay alias “Ligid,” ; Aurelio Gonsalez, alyas “Alvin,” isang “Louie” mula sa Agusan province.
Nakipag-ugnayan na ang militar sa pamilya ng mga nasawi kasabay ng pakikipag-ugnayan sa pulisya at local government unit para sa tamang disposisyon at turnover ng mga labi. | ulat ni Leo Sarne