AFP chief, ipinaabot ang mensahe ni PBBM sa mga sundalo sa BRP Sierra Madre

Facebook
Twitter
LinkedIn

Personal na nagtungo sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff, Gen. Romeo Brawner Jr.

Ito’y para ipaabot sa mga sundalong nakatalaga roon ang mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa kanila ngayong magpa-Pasko.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief, Col. Xerses Trinidad, maliban sa mensahe, bitbit din ni Brawner kasama si Western Command Chief, RAdm. Alberto Carlos ang supply para sa mga sundalo.

Doon, sinabi ni Brawner sa mga sundalo ang pagkilala ng Pangulo sa kanilang katatagan at hindi matatawarang pagganap sa tungkulin para sa bayan.

Kasunod nito, tiniyak din ng AFP chief sa mga sundalo ng BRP Sierra Madre na hindi sila pababayaan ng pamahalaan at patuloy na ipaglalaban ang karapatan gayundin ang soberanya ng bansa sa West Philippine Sea. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us