AFP, PNP, at Muslim Community sa Bacolod City, magtutulungan laban sa terorismo

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpulong ang mga opisyal ng Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine National Police (PNP), at Muslim community sa Bacolod, para pag-usapan ang pinaigting na hakbang panseguridad sa lungsod kasunod ng nangyaring pambobomba sa Marawi City.

Ang pagpupulong sa Bacolod City Police Office (BCPO) kahapon ay dinaluhan ni 303rd Brigade Commander Brigadier General Orlando Edralin; BCPO Director Police Colonel Noel C Aliño; Negros Occidental Provincial Police Office (NOCPPO) Public Information Unit (PIU) Chief Police Lieutenant Colonel Mark Evan Salvo; Muslim at community leaders ng Bacolod City at Negros Occidental, kasama ang Salaam Police Advocacy Group (SPAG), sa pangunguna ni Amin Sultan.

Dito’y tinalakay ang mga “pro-active” na hakbang tulad ng pagtukoy, beripikasyon, at pag-uulat sa mga awtoridad ng presensya ng mga terorista at ekstremista sa lungsod.

Nagpasalamat si BGen Edralin sa Muslim community sa kanilang kahandaang makipagtulungan sa mga awtoridad para mapigilan ang nangyari sa Marawi sa Bacolod City at buong Negros Island. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us