Patuloy pa ring nadaragdagan ang aftershocks kasunod ng tumamang magnitude 7.4 na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong December 2.
Sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS-DOST), umakyat na sa 1,726 ang naitalang aftershocks hanggang kaninang alas-9 ng umaga.
Mula rito, 348 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang nasa 18 naman ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente.
Ang mga naitalang aftershock ay may lakas na mula magnitude 1.4 hanggang 6.6.
Kaninang alas-10 ng umaga, nasa 5.2 magnitude na lindol rin ang naitala sa bahagi ng Hinatuan sa Surigao del Sur na itinuturing na aftershock pa rin ng naunang 7.4 magnitude na tumama sa lalawigan nitong December 2. | ulat ni Merry Ann Bastasa