Aftershocks na naitala sa Hinatuan, Surigao del Sur, higit anum na libo na – PHIVOLCS

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umabot na sa 6,112 ang naitalang aftershocks ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) matapos ang magnitude 7.4 earthquake sa Hinatuan, Surigao del Sur.

Ito’y ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Center (NDRRMC) sa Kampo Aguinaldo.

Ayon sa NDRRMC, may 829 na pamilya o katumbas ng 3,310 indibidwal ang nanatili pa rin sa pitong evacuation centers.

Habang 27 pamilya o 86 na indibidwal naman ang nasa outside evacuation centers.

Samantala, dakong alas 6:31 kaninang umaga ng muling maramdaman ang may kalakasang aftershock sa Hinatuan na may lakas na magnitude 4.1 earthquake.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us