May umiiral pa ring mga pagyanig o aftershocks sa ilang lugar sa Mindanao kasunod ng tumamang 7.4 magnitude na lindol sa Hinatuan, Surigao del Sur nitong December 2.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o PHIVOLCS, as of 12:00 nn ay umakyat na sa 3,117 ang naitalang aftershocks.
Mula rito, 591 ang plotted earthquakes o natukoy ng tatlo o higit pang istasyon habang nasa 35 naman ang may kalakasan at naramdaman ng mga residente.
Ang mga naitalang pagyanig ay may lakas na mula magnitude 1.4 hanggang 6.6
Una nang iniulat ng DSWD na higit 137,000 pamilya o 548,000 indibidwal ang naitala ng apektado ng malakas na lindol mula sa CARAGA at Davao region. | ulat ni Merry Ann Bastasa