AIDS Walk, kasalukuyang isinasagawa sa Lungsod Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sama-samang nagkakaisa ang iba’t ibang grupo kasama ang Department of Health (DOH) para sa kauna-unahang Metro Manila AIDS Walk na isinasagawa sa Lungsod Maynila.

Layuning ng Metro Manila AIDS Walk: A Walk to End AIDS by 2030 na bigyang kamalayan ang mga Pilipino patungkol sa sakit na HIV at AIDS at para sa AIDS-free na bansa sa taong 2030. Layon din nito na ang paglaban sa stigma sa mga People living with HIV (PLHIV).

Asahan sa mga dadalo sa AIDS Walk sa Manila Grandstand ang mga libreng serbisyo tulad ng testing at treatment kaugnay ng HIV at iba pang aktibidad tulad ng zumba.

Kaugnay naman nito abiso mula sa Manila Public Information Office, ilan sa mga kalsada sa Manila ay isasara ngayong Sabado hanggang ala-7 ng umaga upang bigyang-daan ang Walk for AIDS event.

Ang mga apektadong kalsada ay Katigbak Drive, South Drive, Independence Road, at Roxas Boulevard Southbound mula South Drive hanggang San Andres Street.

Payo sa mga motorista maari po kayong kumanan sa Padre Burgos Avenue, kanan sa Maria Orosa Street, kumanan sa Kalaw Avenue, kanan sa Taft Avenue patungo sa kanilang paroroonan.

Ayon sa huling tala ng DOH, patuloy ang pagtaas ng kaso ng HIV na naitatala sa bansa kung saan para sa taong ito ay umabot na halos 200% increase mula noong 2022 o katumbas ng halos 50 kaso kada araw.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us