Pursigido pa rin ang Kamara na itulak ang pag amyenda sa restrictive economic provisions ng Saligang Batas.
Sa isinagawang Philippine Economic Briefing sa Iloilo, kung saan dumalo rin si Speaker Martin Romualdez, sinabi nito na dahil sa tapos na ng Kamara ang halos lahat ng LEDAC priority measures, maging ang panukalang pambansang pondo ay mas magkakaroon sila ngayon ng oras para pag-usapan ang charter change.
Pagbabahagi nito na nais nilang ikasa ang pakakaroon ng people’s initiative para malinawan kung sa paanong paraang magbobotohan ang Kongreso para sa Constituent Assembly—kung magkasama ba o hiwalay na boboto ang Kamara at Senado.
“We will highly recommend that we embark on a people’s initiative to cure this impasse, so to speak, on how we vote. And I hope that we can undertake this as soon as possible so we could have some clarity on the procedures. So we would like to amend the constitution vis-a-vis how we procedurally amend the same, and that’s why either we vote jointly or separately, we’d like to have that resolved by and through a people’s initiative. Number two, we would like to pursue amending the constitution and having the substantive portions of these amendments or even revisions through a constitution assembly, constituent assembly, the third mode.” sabi ni Romualdez sa kaniyang talumpati
Paalala ng House leader, na dapat ay tumutugon ang ating Saligang Batas sa hinaharap na hamon at hindi lang basta reactionary.
Aminado rin si Romualdez, na malaking hamon ang panawagang amyenda sa Konstitusyon na halos tatlo’t kalahating dekada nang usapin.
Una nang inaprubahan ng Kamara ang Resolution of Both Houses 6 at House Bill 7352 o Constitutional Convention Act noong Marso, na nagtutulak sa pag-amyenda ng Saligang Batas partikular sa economic provisions nito upang mas makahikayat ng mga mamumuhunan sa bansa. | ulat ni Kathleen Forbes