Army Chief, namahagi ng pamasko sa mga pasyente sa V-Luna Medical Center

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumisita kahapon si Philippine Army Chief, Lieutenant General Roy Galido sa V. Luna Medical Center para kumustahin ang mga tropang nagpapagaling.

Dito’y namahahi ng regalo si Lt. Gen. Galido sa mga sugatang sundalo para mapataas ang kanilang morale ngayong Pasko.

Si Lt. Gen. Galido ay sinamahan sa gift-giving activity nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Health Service Command Acting Commander Colonel Armand Lacanilao, at V. Luna Medical Center Chief Col. Jonna Dalaguit.

Sa kanyang mensahe, pinuri at pinasalamatan ni Lt. Gen. Galido ang mga sundalo, nars, at doktor sa kanilang kahanga-hangang serbisyo.

Sinabi ng heneral na nais niyang maipadama sa mga sundalo ang diwa ng Pasko kahit wala sila sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay habang nagpapagaling. | ulat ni Leo Sarne

📸: Cpl Rodgen Quirante PA/ OACPA

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us