Nananatiling mababa ang presyo ng mga bilog na prutas sa Pasay City Public Market, 5 araw bago magpalit ang taon.
Gayunman, sinabi sa Radyo Pilipinas ng ilang nagtitinda ng prutas doon na nananatili pa ring matumal ang kanilang benta.
Umaasa sila na sa darating na weekend ay daragsa pa ang mga bibili ng prutas o ang last minute na pamimili bago ang bagong taon.
Bagaman wala naman silang balak na magtaas ng presyo sa ngayon, aminado sila na kung magtataas ng presyo ang kanilang mga supplier ay mapipilitan din silang tapatan ito.
Samantala, narito naman ang presyuhan ng ilang prutas sa Pasay City Public Market:
Mangosteen – P250 kada kilo
Chico – P40 kada piraso
Seedless grapes – P250 kada balot
Mansanas (small) – P50 ang 4 na piraso
Peras – P50 kada 4 na piraso
Ponkan -P10 kada piraso
Kiat-kiat P50 kada balot
Orange – P35 hanggang P45 (depende sa sukat)
Fuji apple (malaki) – P50 kada piraso
| ulat ni Jaymark Dagala