Bilang ng mga sugatan sa pagsabog sa Marawi, umakyat na sa 50 ayon sa AFP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umakyat na sa 50 ang bilang ng mga nasugatan habang nananatili naman sa 3 ang naitalang nasawi sa nangyaring pagsabog sa loob ng Marawi State University kaninang umaga.

Ito ang kinumpirma ni Armed Forces of the Philippines o AFP 1st Infantry Division Commander, MGen. Gabriel Viray III.

Nasa 42 sa mga sugatan ay dinala sa Amai Pakpak Hospital habang nasa MSU Hospital naman ang 8 iba pa.

Sinabi ni Viray, nagsasagawa ng misa sa loob ng MSU nang mangyari ang pagsabog kaninang umaga.

Kasalukuyan nang sinusuri ng Explosives and Ordinance Division ng Philippine National Police o PNP EOD ang pinangyarihan ng pagsabog upang matukoy kung anong bomba ang ginamit.

Isa aniya sa mga tinitingnan ngayon ang posibleng paghihiganti ng grupong Daulah Islamiyah dahil sa may 11 miyembro nito ang napatay matapos makipagbakbakan sa militar noong isang araw.

Patuloy ang ginagawang imbestigasyon ng mga awtoridad hinggil sa insidente. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us