Nakalikom si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng nasa P14 bilyong halaga ng investment pledges sa kanyang pinakahuling biyahe sa Tokyo, Japan.
Ito ayon kay Pangulong Marcos ay matapos lagdaan ang siyam na memorandum of understandings (MOUs) ngayong araw.
Nangyari ito kasunod ng kanyang pagdalo sa ASEAN-Japan Commemorative Summit sa Tokyo.
Sinabi ng Pangulo, na nangako ang mga malalaking kumpanya sa Japan na maglalagak sila ng negosyo sa iba’t ibang larangan sa bansa.
Samantala, ayon naman kay Presidential Adviser on Investment and Economic Affairs Frederick Go, nasa 20 companies naman ang nakapaglatag na ng P169 bilyong halaga ng actual investment na siyang resulta naman ng naging biyahe ni Pangulong Marcos sa Japan noong Pebrero 2023. | ulat ni Alvin Baltazar