Naglabas na rin ng regulasyon ang Caloocan City government sa paggamit ng mga paputok para sa ligtas na pagsalubong ng Bagong Taon sa lungsod.
Alinsunod sa Executive Order No. 032-22 na pirmado ni Caloocan Mayor Dale “Along” Malapitan na nagbabawal sa paggamit ng paputok sa anumang lugar sa lungsod, ay tinukoy ang mga designated fireworks display area kung saan lang papayagan ang pagpapaputok.
Kabilang dito ang ilang bahagi ng Brgy. 67, 176-177 at Brgy. 186.
Ayon kay Caloocan Mayor Along Malapitan, umaasa ito sa pakikiisa ng bawat residente para maiwasan ang anumang firecracker-related incidents sa lungsod.
Kaugnay nito, patuloy na hinihikayat ng LGU ang mamamayan na gumamit ng ligtas na alternatibo sa mga paputok upang mag-ingay at magpa-ilaw sa Bagong Taon. | ulat ni Merry Ann Bastasa