China, dapat sumunod sa international law ayon kay Sen. Villanueva; Sen. Bato, isinusulong na armasan rin ng malakas na water cannon ang PCG vessels

Facebook
Twitter
LinkedIn

Giniit ni Senate Majority leader Joel Villanueva na dapat sumunod ang China sa mga international law sa ilalim ng UNCLOS at dapat na nitong itigil ang ileagal na pagpasok sa mga exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ayon kay Villanueva, kahit gaano pa karaming armas o kalaki ang mga barkong iharang ng China, hindi magbabago ang katotohanan na ang pilit nilang inaagaw ay teritoryo ng mga Pilipino.

Sinabi ng senador na hindi kailanman basehan ng karapatan ang lakas.

Samantala, nanawagan naman si Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na dapat nang armasan ng malalakas ring water cannons ang mga sasakyang pandagat ng ating Philippine Coast Guard (PCG) para makalaban rin sila sa mga sasakyang pandagat ng China.

Payo rin ni Dela Rosa sa mga tropa ng Pilipinas sa WPS. mas habaan ang pasensya, ipatupad lagi ang maximum tolerance at gamitin ang kanilang escape at evasion tactics.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us