China, walang karapatang ibasura ang resolusyon ng Kamara na kumukondena sa kanilang iligal na aktibidad sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Walang karapatan ang China na ibasura ang resolusyon ng Kamara na kumukondena sa iligal nilang aktibidad sa West Philippine Sea.

Ito ang binigyang-diin ni Cagayan de Oro Representative Rufus Rodriguez kasunod ng pahayag ng Chinese Foreign Ministry na tumutuligsa sa naturang resolusyon.

Ani Rodriguez, karapatan ng Pilipinas na ihayag ang kolektibong saloobin sa patuloy na panghihimasok ng China sa ating katubigan, gayundin ang pangha-harass sa ating Navy, Coast Guard, at mga mangingisda.

“It is our prerogative to express our collective sense on continued Chinese intrusion and encroachment on our maritime waters, and their persistent harassment and bullying of our Navy, Coast Guard, and fishermen. No country can deny us that,” sabi ni Rodriguez.

Sa ilalim ng House Resolution 1494, inihahayag ng Pilipinas ang mariing pagkondena sa mga iligal na ginagawa ng China sa WPS at humihimok sa gobyerno na ipagpatuloy ang ginagawa nitong pagdepensa sa teritoryo at paggiit na tumalima sa 2016 arbitral ruling.

Muling binigyang-diin ng mambabatas na batay sa arbitral ruling na naipanalo ng Pilipinas, walang basehan ang territorial claims ng China sa South China Sea, maging sa WPS.

“They cannot insist on owning areas that are inside our 200-mile exclusive economic zone (EEZ), like Ayungin Shoal and Recto Bank in Palawan, and Scarborough or Panatag Shoal or Bajo de Masinloc off Zambales and Pangasinan, which China seized in 2012,” he said.

Hndi na rin aniya dapat makipagnegosasyson pa ang Pilipina sa China dahil nagawa na ito ng nakaraang administrasyon ngunit bigo pa ring maresolba ang isyu.

“We should not negotiate with a “frenemy” that is frequently intruding in our backyard, and repeatedly harassing and bullying us,” sabi ng Mindanao solon. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us