Christmas Convoy, pabalik na sa El Nido Palawan dahil sa shadowing ng apat na Chinese vessels

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagkasundo ang ATIN ITO, at ang Philippine Coast Guard (PCG), na bumalik na lamang ngayong araw sa El Nido, Palawan matapos na hindi ito tantanan ng apat na nakabuntot na Chinese vessels, na kinabibilangan ng  of dalawang Chinese Navy ships, isang Chinese Coast Guard vessel, at isang Chinese cargo ship. 

Nagsimula ang shadowing ng nasabing mga barko sa TS Kaputan Felix Oca ng ATIN ITO bandang 3:40pm, sa timog na bahagi ng Kayumanggi Bank.

Inaasahan sana ang pagbabalik ng Christmas Convoy Civilian Mission sa El Nido Palawan hanggang sa ika-12 ng Disyembre.

Base sa orihinal na plano ay babagtas sa bisinidad ng Ayungin Shoal at tutuloy ang convoy sa Patag at Lawak Island sa West Philippine Sea (WPS) dala ang mga supplies at donasyong pamasko para sa mga frontliners at fisherfolks doon.| ulat ni Lyzl Pilapil| RP1 Palawan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us