Muli na namang tumaas ang weekly COVID-19 positivity rate sa Metro Manila.
Sa datos mula sa independent monitoring group na OCTA Research, umakyat pa sa 24.8% ang COVID-19 weekly positivity rate sa National Capital Region (NCR) nitong December 26.
Mas mataas ito kumpara sa 22% na positivity rate noong December 22.
Una nang sinabi ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David na mataas na ang tiyansang nagpi-peak na ang COVID infections sa Metro Manila at posible ring may pagtaas na rin sa bilang ng nagpopositibo maging sa mga lalawigan.
Kaugnay nito, tumaas din sa 21.1% ang nationwide positivity rate.
Inaasahan naman nitong aabot pa sa 230-250 na mga bagong COVID cases ang maitatala sa bansa ngayong araw. | ulat ni Merry Ann Bastasa