Pinalakas na ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang cyber patrolling laban sa mga online scam ngayong Kapaskuhan.
Ayon kay PNP Public Information Office chief Col. Jean Fajardo, batay sa ulat ng Anti-Cybercrime Group mayroong pagtaas ng bilang ng cyber-related crimes lalo na ang mga scam.
Ito’y dahil naglipana ang mga mga advertisements na nag-aalok ng murang regalo tulad ng gadgets na ang iba ay mayroon pang bundle offer.
Paaalala ng PNP sa publiko na dapat maging mapanuri sa mga bibisitahing online store upang hindi mabiktima ng mga cyber criminals. | ulat ni Leo Sarne