Dagupan City School Division Office, nakibahagi sa nationwide tree planting activity ng DepEd

Facebook
Twitter
LinkedIn

Halos 700 seedlings ang naitanim ng mga paaralan na nasasakupan ng Department of Education (DepEd) Dagupan City Schools Division Office sa kanilang pakikiisa sa nationwide asynchronous tree planting activity ngayong araw ng nabanggit na kagawaran.

Ayon sa datos na ibinahagi ng City Schools Division Office, umabot sa 678 seedlings ang matagumpay na itinanim ng mga guro at mag-aaral ng tatlumpu’t-siyam na mga paaralan sa lungsod ng Dagupan na nakiisa sa aktibidad.

Kabilang dito ang puno ng Antipolo (200), Calamansi (77), Bayabas (66), Cacao (43), at Mahogany (26) sa mga naitanim sa palibot ng mga eskwelahan at sa mismong Schools Division Office.

Ayon naman kay Dagupan City Schools Division Superintendent Dr. Rowena Banzon, ang aktibidad ay kanila na ring ambag para sa pangangalaga ng kalikasan at regalo na rin sa mga kabataan.

Isinagawa ang tree planting sa mga paaralan alinsunod na rin sa November 17, 2023 Memorandum mula sa tanggapan ni Vice President at DepEd Secretary Sara Z. Duterte.

Sa ilalim nito, inaatasan ang 47,678 na mga pampublikong paaralan sa bansa na magtanim ng hindi bababa sa limang punong-kahoy sa kanilang mga bisinidad o sa mga lugar malapit sa kanila.

Target ng tree planting activity ng DepEd na makapagtanim ngayong araw ng 236,000 seedlings. | ulat ni Ruel L. de Guzman| RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us